Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.
Showing posts with label IF IT’S ALL I EVER DO. Show all posts
Showing posts with label IF IT’S ALL I EVER DO. Show all posts

Thursday, March 5, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 24 WAKAS

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Jino’s Point of View

                Nang hinila ako ni Buboy para mag-usap ay alam kong gusto niyang magkalinawan kami kung bakit ako pumayag na iyon ang idadahilan ng aking mga magulang, pamilya niya at mga kaibigan namin. Hindi kami tumuloy muna sa kuwarto niya. Sa tulad niyang nagugulat ay hindi pa stable ang emosyon niya. Ayaw ko ding isipin niya na basta ko na lang siya iniwan at hayaang isipin niya na totoong patay na ako.
                “Sige, simulan mo nang ipaliwanag sa akin kung ano nga ba talaga ang nangyari. Gusto kong tayo lang muna ang mag-usap kaya kita hinila. Hindi kasi ganoon kadali lang lahat brad.” Singhal niya.
                “Alam ko Boy, kaya nga gusto ko ding magpaliwanag sa’yo at sana kahit nagugulat ka pa, nagagalit at hindi makapaniwala sa nangyaring ito, gusto kong buksan mo ang isip at puso mo para sa akin.”
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Namumula ang kaniyang mga mata. Hindi siya sumagot.
“Kasi, matagal ko na ding hinihintay na makaharap ka.” pagpapatuloy ko. Tumingin ako sa kaniyang mga mata ngunit tinalikuran niya ako. Bumunot ng malalim na hininga. “Miss na miss na miss kita sa walong taon na wala tayong communication Boy. Alam mo ba kung saan ako kumakapit? Dahil lang sa isang binitiwan mong pangako na mas nanaisin mong tumandang mag-isa kaysa magmahal ng iba. Pero pangako mo iyon nang mga bata pa tayo. Saka yung paniniwala kong mahal mo ako. Pero oras-oras akong binabalikan ng takot ko brad. Paano kung maghanap ka ng kalinga ng iba dahil sa paniniwala mong patay na nga ako at wala ka nang babalikan pa? Paano kung sa panahong magkita tayo ay may bago ka ng buhay, may nagpapatibok na sa puso mo? Anong sasabihin ko? Anong habol ko? Paano ko ipaliliwanag ang lahat sa paraang maintindihan mo?” hindi ko na napigilan pang lumuha.

Nakikita ko kasi sa mukha niya ang mga pinagdaanan niyang pagdurusa bago niya ako tinalikuran. Alam kong galit na galit siya ngunit hindi niya alam kung paano niya iyon ilabas dahil sa halu-halong emosyon. Matagal siyang nakatalikod sa akin. Gusto kong umikot para harapin siya ngunit minabuti ko na lamang na hayaan siyang itago ang kaniyang mukha sa akin.

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 23

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta


                Hanggang sa natigilan kami sa aming paglalambingan nang biglang may dalawang nakamotorsiklong may mga angkas ang tumigil sa hindi kalayuan sa amin. Nakahelmet silang apat. Nakita ko ang pagbunot nila ng baril. Kami ang kanilang puntirya. Hinila ko si Jino na noon ay gulat na gulat at hindi malaman ang gagawin.

                Niyakap niya ako.

                Nakatutok na ang baril nila sa amin.

Kailangan kong iharang ang aking katawan sa balang maaring tatama sa kaniya.

                Bang!

Bang!

Bang!

Umalingawngaw ang sunud-sunod na malalakas na putok ng baril.

Napaliyad ako nang naramdaman ko ang tama ng bala sa aking tagiliran at isa pa sa likod ko. Minabuti kong saluhin lahat ang balang maaring tatama kay Jino. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa siya ang mawala sa akin.

Nagawa ko pa din siyang yakapin para sana ilayo doon.

“Oh my God, brad tinamaan ka!” histerikal niyang sigaw nang may naapuhap siyang dugo sa likod ko.

Wala na akong marinig na putok pa. Ngunit nabuhay ang galit sa kaniyang mukha. Mabilis siyang tumakbo para sugurin ang mga nakahelmet na bumaril sa amin.

“Brad ko, huwagggggg!” sigaw ko.

Gusto ko man siyang pigilan ay hindi ko na nagawa. Kitang-kita ko kung paano siya pinagbabaril ng angkas ng mga nakamotor at nang natamaan si Jino ay saka nila mabilis na pinaandar ang kanilang mga motor.

Lumakas ang buhos ng ulan.

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 22

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Nakita ko din ang pagyakap ni Tito Xian kay Jino ngunit sa akin nakatingin ang galit na galit na si Tito James.  Nang bumitaw sa akin si Daddy ay hinarap ako ni Tito James.
“Pareng Mak at Pareng Ced, pasensiya na uli ha, baka puwedeng kausapin ko ang anak ninyo sa harap ninyo?”
"P're, kung may problema ka sa anak namin, kami ang dapat kakausap sa kaniya. Kami ang may karapatang dumisiplina sa kaniya at hindi namin magagawa iyon sa harap ng ibang tao. Pasensiya na P're pero hindi kasi magandang tignan na ikaw ang nagsasabi sa anak namin ng dapat kami ang nagsasabi sa kaniya." matapang na sagot ni Daddy Ced.
Natigilan si Tito James.
“Pa, tama na po. Sana once and for all, makinig naman din kayo sa sasabihin ko, sa kung ano ang sasabihin naming dalawa ni Buboy.” palabang tinuran ni Jino.
“Hindi pa tayo tapos Jino. Pag-uwi natin sa bahay, magkaliwanagan tayo!” singhal ni Tito James.
 “Tito, mga bata lang kami sa tingin ninyo ngunit may isip na kami at higit sa lahat, may pakiramdam din ho kami. Nasasaktan din naman kami sa gusto ninyong mangyari. Kaya kung gusto ninyong maayos kaming sasama sa inyo at hindi na mauulit pa ito, matuto naman ho sana kayong makinig din naman sa amin ni Jino.” Hinila ko si Jino. Hinawakan ko ang kamay niya at buong tapang akong humarap sa Papa niya. Ito na yung pagkakataong hinihintay ko, ang ipaglaban ng harap-harapan ang taong mahal na mahal ko.
“Yun na nga yung punto ko, mga bata lang kayo pero akala ninyo alam na ninyo ang lahat. Tulad nitong ginawa ninyo ngayong paglalayas. Paano kung may nangyari sa inyong dalawa? Sige, sabihin ninyo sa akin ngayon kung bakit kailangan kong pagkatiwalaan kayong dalawa. Kung bakit hindi ko dapat tututulan ang kung anumang meron kayo at hindi ikasisira ng pag-aaral ninyo gayong heto nga, lumiban na kayo sa mga klase ninyo dahil lang sa hindi ko maintindihan na dahilan ng paglalayas ninyo.”
“Tito, hindi kami naglayas lang dahil lang gusto namin. Pakiramdaman kasi namin, pinagkakaisahan ninyo kaming paglayuin. Wala na ba kaming karapatang magmahal kasi mga bata lang kami sa tingin ninyo?” umagos ang luha ko sa pisngi. Pinabayaan ko lang iyon. Gusto kong maramdaman nila yung sakit ng loob ko dahil sa ginagawa nilang pagkontrol sa amin.

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 21

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

“Brad ano ba. Uyyy! Nasa gate sina Papa kasama ang Daddy mo.” bulong lang iyon ngunit iyon ang nagpagising sa dugo ko.
Nawala ang antok ko.
Bumalikwas ako.
Hinawakan ko ang braso niya.
Akay ko siyang lumapit sa bintana.
“Putcha! Papunta na sila sa bahay. Siguradong si Lola ang nagsabi sa kanila na nandito tayo.”
“Anong gagawin natin?” tanong ni Jino.
Halatang natatakot siya sa Papa niya.
“Tara na.”
“Saan?” tanong niya.
“Do you still trust me?” tanong ko.
“Yes. Lagi naman akong may tiwala sa’yo. Kaya lang nandiyan na sila. Kailangan na naman ba nating tumakas? Saan na naman tayo pupunta?”
“Bahala na. Basta kailangan na nating umalis dito.”
Hindi na siya sumagot pa. Mabilis niyang pinagpupulot ang mga cellphone namin saka ko hinawakan ang kamay niya at binuksan ang pintuan. Abut-abot ang bilis ng kaba sa dibdib ko ng mga sandaling iyon at ang nanlalamig na palad ni Jino ang siyang sumisimbolo na siya man din ay kinakabahan sa aming ginagawang muling pagtakas.
                Nang nasisiguro kong hindi pa sila nakapasok sa bahay ay mabilis kaming bumaba sa hagdanan papunta sa kusina. Doon kami sa likod bahay dadaan. May lagusan doon papunta sa kalsada at may isa ding daan papunta sa masukal na gubat. Wala pa sa plano ko ang pumunta ng bayan. Magtatago na muna kami sa gubat hanggang masiguro kong hindi na nila kami masusundan. Lakad-takbo ang ginawa namin ni Jino habang magkahawak-kamay. Sa masukal na kagubatan kami sumuot. Walang kasiguraduhang pagtatago. Kung hanggang kailan kami doon, iyon ang hindi ko alam. Ang tanging nasa isip ko noon ay makalayo kami ni Jino sa mga mga magulang naming gusto kaming paghiwalayin.
                “Magpahinga muna tayo?” humihingal na sinabi ni Jino. “Saka nasasaktan ako sa hawak mo sa braso ko kasi yung mismong relo ko ang hinahawakan mo.”
                “Sorry.” Sagot ko.
Tagaktak na ng pawis ang kaniyang buong mukha, leeg at katawan. Ako man ay hinihingal na din. Umupo kami sa silong ng isang malaking puno. Hinila ko at niyakap para sa dibdib ko siya sumandal. Sumisilip ang sinag ng araw sa amin. Hapon na at ilang oras na lang ay lalamunin na ng dilim ang liwanag.
                “Hanggang kailan tayo magiging ganito?” tanong niya. Tumingin siya sa akin.
                Hinawakan ko ang kamay niya. Pinisil-pisil ko iyon. Hanggang kailan nga ba kami magtatago lalo na’t walang-wala din kaming dalang pera.
                “Nahihirapan ka na ba?” balik tanong ko.
Iniiwasan kong sagutin ang tanong niya.

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 20

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

 “Dad, ayaw ko. Hindi ko lalayuan si Jino. Hindi puwede.”

“Bakit hindi? Sige nga, sabihin mo sa amin kung bakit hindi puwede.”

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako handa ng ganito e. Ayaw kong mag-out sa kanila pero kung ilalayo nila si Jino sa akin, mas nanaisin ko pang malaman nila ang pagkatao ko kaysa sa mawala siya sa akin.

“Kasi… Dad…” tuluyang tumulo ang luha ko. Mabilis kong pinunasan iyon ngunit hindi mawawala yung bigat na nararamdaman ko. Sobrang sakit sa dibdib yung gusto nilang mangyari sa amin e. Ngayon palang hirap na akong huminga. Ngayon palang di ko na kinakaya.

“Ano nga? Sabihin mo sa amin kung bakit.”

 “Please dad, kahit ano ang hiligin ninyo huwag lang naman yung ilayo sa akin si Jino.” Humihikbi na ako.

“Bakit nga?”

“Dad, hindi puwede kasi… kasi…” humihikbi ako kahit pinipigilan ko. “Dad mahal ko ang best friend ko.” Mahina iyon ngunit puno ng emosyon. “Mahal ko si Jino, Dad. Mahal na mahal ko siya. Nagmamahalan kaming dalawa.”

Nagkatinginan sina Daddy.

Lumapit si Daddy Ced sa akin at sa isang iglap ay yumakap ako sa kaniya. Iyon din kaniyang ginawa. Ganoon din si Daddy Mak, nakangiti man siya ngunit may luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Naramdaman ko ang marahan nitong paghaplos sa aking likod.

“Dad, I’m sorry hindi ko ho napanindigan yung sinabi ko dati na gusto kong maging iba sa inyo. Hindi ko kinayang magmahal ng babae at bumuo ng isang pamilyang tanggap ng karamihan. Dad, katulad din ho ninyo ako at sana maintindihan ninyo at matulungang huwag ilayo sa akin si Jino.”

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 19

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Hinalikan niya ako sa labi. Mas matagal. Mas mapusok. Ginising niya muli ang kanina pang nagwawala sa akin kahit nang nasa comfort room pa kami ng restaurant.
“Sige na. Okey na ako. Kailangan ko nang umuwi.” Pagpapalaam niya habang hawak niya ang mukha ko.
Ngunit ramdam ko din ang nakatutok na iyon sa akin dahil sa suot niyang manipis na pajama. Bumitiw sa akin at tumalikod ngunit hindi ko binitiwan ang isang braso niya.
“Hindi. Hindi ka muna uuwi. Dito ka muna.”
“Bakit? Baka kasi makita ni Papa na wala ako sa higaan ko.”
“Doon muna tayo sa kuwarto ko. Nandito ka na eh, sa akala mo ba pakakawalan kita ng gano’n na lang?”
Hinila ko siya. Wala akong naramdamang pagtanggi sa kaniya. Alam kong alam niya ang binabalak ko. Ninenerbiyos man kaming dalawa ngunit sumasabog ako. Ayaw kong sumabog na namang mag-isa. Pagkakataon na para pagsaluhan namin ang aming pagmamahalan kahit pareho kaming nangangapa kung paano nga ba namin iyon gagawin.
Pagpasok namin sa aming gate ay mahigpit ko siyang hinawakan sa kamay. Kinakabahan kaming dalawa. Nanginginig at nanlalamig siya. Kung dinig lang sana niya ang lakas ng kaba ko sa mga sandaling iyon. Halu-halo emosyon kasi yung mga nararamdaman ko.
Pagpasok namin sa aming sala ay inilagay ko ang hintuturo ko sa aking labi para sabihing huwag siyang gagawa ng kahit anong ingay. Ayaw kong maramdaman nina Daddy na patago kong kasama si Jino lalo na ang mahuli nilang akong binabalak ko siyang ipuslit sa aking kuwarto. Siya na ang humawak sa braso ko. Dahan-dahan lang ang aming paghakbang. Magkasinlakas na nga yata ang tibok ng puso ko at ng aking paghinga. Nang paakyat na kami sa hagdan ay naulinigan kong bumukas ang kuwarto nina Daddy. Muli ko siyang hinila pababa ng hagdanan at mabilis kaming nagtago na muna sa silong ng hagdan. Nakiramdam muna kami.
Ninenerbyos na kaming dalawa.
“Hatid mo na lang kaya ako sa labas, brad.” Bulong niya.
“Sira ka ba brad? Nandito na ‘to. Panindigan na natin.” NIyakap ko siya para maibsan ang kaba. Dinampian niya ng halik ang labi ko. Mabilis lang iyon ngunit sapat na para mabawasan yung tensiyon ko. Hanggang sa narinig ko na ang pagsara ng kuwarto nila daddy.
“Tara na.” humawak ako sa palad niya. “Konting ingat lang para hindi nila tayo marinig sa pag-akyat ng hagdanan.”
Tumango siya.

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 18

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

                Tumingin siya sa akin. Bigla na lang siyang yumakap sa akin at sa balikat ko na siya humagulgol. Hindi na namin kailangan pang magsalita. Sapat na ang pag-uusap ng tibok ng aming puso. Alam kong sa pagkakalapat ng aming mga dibdib ay kailangan na naming tapusin ang aming mga paghihirap.
                Nag-vibrate ang hawak kong iphone. Habang yakap ko siya ay di ko napigilang basahin ang message.
                Si Lexi ang nag-text.
                “We need to talk. Meet me tonight. Marami tayong pag-uusapan. It’s time for you to know the truth, ngayong kaya ko pang sabihin sa’yo ang lahat.”
                Kinabahan ako.
                Ngunit mas mahalaga sa akin si Jino. Mas gusto kong ayusin ang gusot naming dalawa dahil sa totoo lang dito ako mas apekatdo. Hindi na ako nakakatulog ng maayos sa gabi at unti-unti na naman akong nawawalan ng inspirasyon na naman sa aking pag-aaral.
                “Hindi mo naman kailangan ipakita sa aming okey ka na kahit hindi. Hindi natin dapat tinitiis ang ating mga sarili dahil lang sa ayaw mong masaktan si Lexi.” Bulong ko.
                “Totoo bang mahal mo ako?” tanong niya sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko.
Nagkatitigan kami.
“Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita.” Pinisil ko ang kamay niya. “Natatakot lang akong aminin ito noon kasi ayaw kong maging kagaya ng mga nagpalaki sa akin pero hindi ko na kasi kayang pigilan pa e. Lalo lang akong nasasaktan kapag ginawa ko ‘yun.”
“Alam mo ba kung alin ang masakit ngayon? Yung tanggihan ka kahit mahal na mahal kita. Hindi pa kasi ito yung tamang panahon para sa ating dalawa. Ngunit kung naniniwala kang darating din yung panahon para sa atin, sana gawin mo muna ang hinihiling ko sa’yo. Isipin mo na lang na ito ay para sa ating tatlo. Hayaan mo na lang muna ako. Kakayanin ko ang lahat Boy.” Pakiusap niya sa akin. Wala parin baling bago. Iyon pa din ang kaniyang sinasabi.
“Ano ba kasing totoo?” deperadong tanong ko.
“Hindi kasi dapat sa akin manggagaling kung ano ang totoo. Wala ako sa posisyon para sabihin ang lahat sa’yo. Pero ito ang alam kong tama munang gawin natin, Boy. Kung mahal mo ako at totoong minahal mo din naman ang pinsan ko, kailangan muna nating magkalayo.”
“Sa tingin mo ba kaya kong ibaling ang pagmamahal ko kay Lexi dahil lang sa gusto mo akong ipamigay sa kaniya? Awa ng-awa na ako sa’yo.”

Wednesday, March 4, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 17

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

 “Ano ha? Lahat ay ginagawa ko para sa’yo. Para sa inyo ni Lexi. Kahit masakit sa akin tinitiis ko. Ginagawa ko ang sa tingin ko ay tama para sa ikaliligaya ninyo ngunit huwag mo naman akong pagtripan pa ng ganito! Hindi ko alam kung ano ang intensiyon mo pero Boy, hindi ako natutuwa. Kaya siguro tama sina Papa, kailangan na sigurong iwasan na lang din kita. Salamat Boy ha! Salamat sa pagsira mo ng tiwala ko sa’yo.”

Tumalikod na siya. Humakbang na siya palayo sa akin.

Mabilis akong tumayo. Hinila ko ang balikat niya saka ko siya niyakap. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita o tumanggi. Sa isang iglap ay naglapat ang aming mga labi. Iyon ang gusto kong gawin noon pa. Iyon ang halik na matagal kong pinigilan noong unang araw na pinuntahan ko sa bahay nila. Kalakip dapat ng halik na iyon ang chocolate at red roses na ibibigay ko sa kaniya ngunit kay Lexi napunta.

Pakiramdam ko sa tagal ng panahon ay nabuo niya ako. Nasagot ng halik na iyon ang mga katanungang sinikap kong iwasang sagutin. Walang mali sa kung ano ang nararamdaman ko.

Nang una ay nagulat siya.  Ang malakas niyang pagtulak sa aking dibdib ay humina ng humina hanggang sa umakyat ang mga palad niya sa aking balikat, pataas sa aking leeg at sandaling huminto iyon sa aking pisngi. Ang mga palad ko naman ay umakyat mula sa kaniyang baywang, naglakbay sa kaniyang likod hanggang sa tumigil iyon sa kaniyang batok. Pagkasabik ang naramdaman ko. Ilang gabing pinangarap kong maulit muli ang labinlimang minutong halikan namin. Halik niyang siyang tuluyang nagpalaya sa ikinulong kong damdamin. Gusto kong samyuhin ang lahat at walang masayang sa mabango niyang hininga. Gusto kong manatili sa isip ko ang lambot ng kaniyang labi at init ng kaniyang katawang nakalapat sa akin.

“Anong ginagawa mo? Ano ‘to?” pabulong na tanong niya kahit magkalapat palang ang aming mga labi. Hanggang sa tuluyan na niyang inilayo ang mukha ko sa mukha niya.

Hindi pa din niya binibitiwan ang hawak niyang magkabilang pisngi ko. Nakatingin siya sa aking mga mata. Nagsimula akong nakaramdam ng hiya sa biglang ginawa kong iyon. Hindi ko sa kaniya maititig ang aking mga mata. Nandiyang titingin ako sa baba, babalik sa taas, pakanan at pakaliwa.

“Bakit mo ako hinalikan?” tinanggal niya ang kamay niya sa aking pisngi.

Tuesday, March 3, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 16

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Tumulo ang luha ko sa pisngi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.
“Huwag! Huwag si Jino Diyos ko! Hindi ko kaya! Hindi ko alam kung paano ko patatawarin ang aking sarili kong ikamamatay niya ito. Hindi!!!!!”
Hanggang sa tuluyang kong isinigaw ang kaniyang pangalan. Paulit-ulit sa gitna ng aking hagulgol at paghikbi. Niyakap ko siya ng buong higpit. Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin. Hindi ngayon, hindi sa ganitong pagkakataon.
“Brod, sandali lang, lalo mo siyang pinahihirapan sa ginagawa mong ganyan. Pahigain mo lang siya. I am a medical student and I know exactly what to do, kaya trust me on this okey?” pakiusap ng isang maputing lalaki na halos kaedad lang ni Master.
Dahan-dahan ko siyang pinahiga at pinatagilid niya ang ulo ni Jino. Kumuha siya ng sofa pillow na pinagpatungan niya sa mga paa ni Jino.
“Nag-faint lang siya dahil hindi siguro niya nakayanan ang hirap pero humihinga pa siya. Kailangan nating itaas ang paa niya at mas mababa ang utak to promote blood flow to the brain. We turn his head to the side so the the tongue doesn't fall back into the throat. Mga brod, pakiabutan nga ako ng ice at face towel please?”
Mabilis namang kumilos ang ilang brod namin at nag-uunahan pa silang ibigay ang kailangan niya.
“Ipunas mo itong malamig na face towel sa kaniyang mukha at leeg at magkakamalay na ‘yan maya-maya.” Kalmadong bilin niya sa akin.
“Paano kung hindi na? Please dalhin na lang ho natin siya sa hospital.” Pagsusumamo ko habang pinupunasan ko ang kaniyang mukha at leeg.
“Trust me, he just passes out and nothing to worry about.”

Hanggang sa ilang sandali lang ay binuksan na niya ang kaniyang mga mata.
Huminga ng malalim.
Hinawakan ko ang kamay niya. Unang pagkakataong ako ang unang humawak sa kamay niya na noon ay iniiwasan kong gawin.
Pinisil ko iyon.
“Kumusta ang pakiramdam mo! God! Pinakaba mo ako!”
“Okey lang ako pero sobrang sakit ng katawan at paa ko.” pabulong niyang sagot.
“Ako na ang aako sa kulang na palo mo sa paddle kung hindi mo na kaya.”
“Hindi, kaya ko pa.” pagpupumilit niya.

Monday, March 2, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 15

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

                  “Putcha! Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
“Di ba sabi ko sa’yo? Sisiguraduhin kong hindi ka mapapasama? Kaya sasamahan kita kahit gaano pa kadelikado ang gusto mong gawin sa buhay mo. If it’s all I ever do, Boy. I would give my all to you!”
“Nahihibang ka na ba Jino? Ano ‘to ha? Alam mo bang ginagawa mo?”
“Alam ko, katulad din ng ginagawa mo. Ngayon palang, sasabihin ko na sa’yo kung sakaling iuukit na nila ang pangalan ko sa bato, alam kong alam ng lahat na ginawa ko lang ang alam kong tama para sa ating dalawa at alam kong hanggang huli ay patutunayan ko sa’yo kung gaano ko ipinaglalaban ang pagmamahal ko sa’yo bilang kasangga mo. Hindi kita bibitiwan Boy. Hindi kita isusuko.”
“Paano kung pahihirapan ka nila at hindi mo kakayanin.”
“Kaya ko, basta alam kong nandiyan ka lang, lahat kakayanin ko.”
“Tigas talaga naman ng ulo oh!”
“Kung ito din lang ang tanging paraan para mabuo tayong tatlo nina Lexi, lahat ay gagawin ko.”
“Alam ba ni Lexi ito o kaya ni Miggy?”
“Hindi alam ni Lexi ngunit ginagawa ko ito hindi lang para sa akin kundi para na din sa kaniya. Gusto kasi ni Lexi na mabuo tayong tatlo at ito na lang ang tanging paraan ko para kahit di kita mailayo dito sa Akhro ay mapansin mo din kami. Gusto kong maramdaman mo Boy na mahalaga ka sa amin sa kabila ng mga nagawa namin sa’yo. Isang huling pagkakataon lang, kahit sa ilang minuto lang sa isang araw mo kami kakausapin, masaya na kami ni Lexi do’n huwag mo lang kaming tuluyang iwan.” Nakayukong pakiusap niya.
“Si Miggy? Pinayagan ka ni Miggy na magpakatanga ng ganito?”
“Sasamahan nga niya dapat ako ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit nagbago ang desisyon niya…”
“Putcha naman Jino oh!” napasuntok ako sa kaliwang palad ko. “Naku naman! Bahala ka! Basta brad labas ako sa gusto mong gawin na ‘to. Kung may mangyari sa’yong masama, huwag ako ang sisihin mo. Wala akong kinalaman dito. Ikaw ang nagdesisyon.”
“Sarili kong desisyon ito Boy. Kung sakaling mang may masamang mangyari sa akin hindi ko iyon pagsisisihan at lalong malayong sisisihin kita. Siguro iniisip mo, ang kapal na ng mukha ko, nasisiraan na ako ng ulo dahil sa mga katangahang mga ginagawa ko pero kung ang pagiging tanga lang ang sukatan para bumalik yung dating pagtingin mo sa amin ni Lexi, mas nanaiisin kong magiging tanga na lang habang-buhay huwag ka lang mawala sa amin.”
“Huwag ka ngang nagsasalita ng ganyan sa akin, brad. Nakokornihan ako. ‘Kala mo siguro natutuwa akong marinig kang nagsasabi ng mga ganyan ano? Kaya ayaw ko sa inyo dahil sa mga kadramahang ‘yan e.” Pabulong na tinuran ko sa kaniya.

Sunday, March 1, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 14

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

 Nang dumaan ako sa harap ng mga Tau Gamma ay malakas ang kaba sa dibdib ko pero hindi ako nagpahalata. Sa akin kasi nakatingin ang tropa ko. Naniniwala akong di nila ako pababayaan.

“Opppss putaaaa!” gulat na singhal ko.

Tinisod ako ng isa sa mga nakaupo.

Nawalan ako ng balanse at sumubsob sa katabing mesa.

Ang nakakainis ay nagtawanan pa sila.

Tumayo ang tumisod sa akin at mabilis niya akong kinuwelyuhan.

“Ano ha! May angal! Lalaban ka?”

Dahil sa naipong galit sa dibdib ko sa pagpapahiya nila sa akin ay mabilis ko siyang binigwasan ng suntok sa panga.

Pumasok iyon.

Nabitiwan niya ako.

Nagsitayuan na sila at iyon na din ang hudyat sa tropa kong lumaban nang napansin nilang sinimulan na nga nila ang riot. Nakita kong mabilis na lumabas sa CR ang lalaking may hawak na balisong kanina. Sa akin ang diretso niya.

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Ang kanina ay masayang inuman namin at kuwentuhan ngayon ay nauwi na sa rambulan. Bangayan at suntukan na ang tanging nakikita ko sa aking paligid. Bago tuluyang nakalapit sa akin ng kaninang may hawak ng balisong ay pinulot ko ang isang upuan at  ubod ng lakas kong ipinukol iyon sa kanya. Tumama iyon sa balikat niya, nabitiwan nito ang balisong at halos mapaupo siya sa lakas ng pagkakatama niya.

Hindi siya nagpatinag. Mabilis siyang humakbang para gantihan ako ngunit bago pa man niya ako nalapitan ay hinarap na siya ni Kuya Jello.

“Bata atras na! Kaya na namin ‘to!” sigaw ni Kuya Jello sa akin.

Saturday, February 28, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 13

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Inilagay ko sa balikat ko ang gitara at dahil wala naman akong ibang madaanan kundi sa kung saan sila nag-aabang ay payuko na lang akong dumaan sa harap nila. Ayaw ko na silang tignan lalong-lalo na ang kausapin pa sila. Nang nasa tapat na nila ako ay maagap si Lexi na pinigilan ako sa paghawak niya sa aking braso ko.
“Wait! Boy, please let us talk?”
Hindi ko siya tinignan. Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad ngunit wala siyang balak pakawalan ako hanggang halos yakapin na niya ako. Hinawakan din ni Jino ang isa pang braso ko kaya wala na akong magawa kundi ang harapin sila.
“Bakit ba?” singhal ko.
“Boy, bumabalik ka na naman sa dating ikaw. Kami dapat ang nagtatanong sa’yo ng bakit? Tatlo ang nasaktan mo sa araw na’to.” si Lexi. Nakatingin siya sa aking mga mata ngunit ako ang umiiwas.
“Bakit? Kasi gusto ko. Di ba nga wala na kayong pakialam sa akin? Kaya anong karapatan ninyong tanungin ako ngayon sa gusto ko?”
“Anong sinasabi mong wala na kaming pakialam sa’yo? Hindi gano’n ‘yun Boy.” Umiling-iling siya. Hinawakan niya ang palad ko. “Sige, sabihin na nating gano’n ang pagkakaintindi mo sa ginagawa namin, pero kailangan pa bang may masasaktan ka pang iba?”
“Bakit Lexi, alam mo ba ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon? Huwag mo akong husgahan na parang kilalang-kilala mo na ako dahil ako mismo, pagkatapos ng ginawa ninyong pang-iiwan sa akin ay hindi ko na kayo kilala pa ni Jino.” Binawi ko ang palad kong hawak-hawak niya.
“Sige, sabihin mo sa amin. Anong dahilan at kailangan mong makipagsuntukan?”
“Huwag na, akin na lang ‘yun.”
“O di ba? Ang gulo mong kausap? Iyan ang mahirap sa’yo e. Ayaw mong magsabi kung tinatanong ka tapos gagawa-gawa ka ng isang desisyon na ikagugulat na lang namin.”
Natawa ako.
“Ikagugulat ninyo? Bakit ano ba ako sa inyo? Hindi ba wala lang? Pagkatapos kong  magpakatotoo kung ano ang nararamdaman ko sa’yo Lexi, itinapon mo na lahat. Sinaid mong lahat. Kahit lang sana ibinalato mo na lang yung turingan natin bilang matalik na magkaibigan. Nabasted na nga ako, nawalan pa ako ng mga best friends. Tapos ngayon may ginawa ako, para na kayong sino kung magtanong na parang bang bigla na lang kayong nagkaroon ng pakialam.”
“Boy, tinatanong naming kung bakit ka nakipagsuntukan, iyon yung siguro kailangan nating pag-usapan dahil sa totoo lang, ayaw ko nang maging ikaw yung dating Romel na nakilala namin.” Si Jino. Hindi na niya natiis pang hindi sumabad sa mainit na usapan namin ni Lexi.
“Gusto mong malaman ha!” inilapit ko ang mukha niya sa mukha ko. Amoy ko na ang kaniyang hininga at ganoon din siya sa akin. Halos maglapat na an gaming mukha.
 Napalunok siya.

Friday, February 27, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 12

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

“Ikaw, mahal mo ba siya?” tanong ko.
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking pisngi para tanggalin iyon dahil naaasiwa ako lalo pa’t dalawa lang kami doon.
Sasagot palang sana siya ngunit biglang may pumasok sa hindi isinara ni Jino na pintuan.
Nakita ko si Miggy.
Nakatingin siya sa amin habang ang kamay ni Jino ay nasa aking pisngi at nakahawak din ako sa kamay niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Nagulat si Miggy sa naabutan niya. Hindi siya nagsalita ngunit halata sa mukha niya na hindi niya gusto ang naabutan niya sa amin.
Bago siya makalabas ay nakasalubong niya sina Lexi at Jheck na noon ay nakatingin na din sa amin. Dahil sa pagkagulat naming dalawa ay huli na nang tanggalin namin ang aming mga kamay, siya sa pisngi ko at ako sa kamay niya.
Pero iyon lang ‘yun. Sa akin walang malisya, hindi ko alam sa kanila kung may ibig sabihin no’n. Ngunit iba ang dating ng tingin nila. May kahulugan at di ko alam kung kailangan kong magpaliwanag.
                “What?” tanong niya kina Jheck at Lexi. “Masama bang i-comfort ko siya? I just feel bad for what we did and it is too unbecoming of us to cheer Philip and not him!” Tinalikuran niya ako. Yumuko ako. Ibinigay ko na lang kay Jino ang pagkakataon na ipaliwanag ang naabutan nila.
                “Di ba napag-usapan na natin ang tungkol dito? Ano na naman ‘tong ginagawa mo?” tanong ni Lexis a kaniya.
                Napailing ako. Alam ko naman ‘yon may usapan sila kaya ako laging nagmumukhang tanga. Iyon yung mahirap e, yung alam mong pinagkakaisahan nila ako at wala akong magawa kundi ang parang tanga lang na isipin kung alin ba ang mali.
                Nilingon muna ako ni Jino bago siya naglakad palabas. Halata kong umiwas na lang siyang ipilit pa ang gusto niya kay Lexi. Nagkatitigan muna kami ni Lexi bago sila tuluyang lumabas ni Jheck.
Naiwan na naman ako doon na parang akala mo may nagawang masama. Ako ba ang lumapit? Ramdam kong malapit na maubos ang pasensiya ko at pagtatangi kay Lexi. Sagad na sagad na ako ngunit gusto ko lang kasing patunayan na kahit ganito lang ako sa tingin nila ay tapat din naman akong kaibigan.

Thursday, February 26, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 11

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Hindi ko na napaghandaang ang isang malakas at malutong na sampal na iyon na pinakawalan niya sa aking pisngi.
                “May mukha ka pang iharap sa akin pagkatapos mong makipagpustahan kung kanino ako dapat mapunta! Hayop ka!” singhal niya. Kasabay iyon ng masaganang pagbabay ng luha sa kaniyang pisngi.
                “Sigelang, kung galit ka sampalin mo ako hanggang mawala yung galit mo sa ginawa ko!”
                “Kung sana galit lang sana yung nararamdaman ko e, pero Boy nasasaktan ako sa ginawa mo!”
                “I’m sorry pero mali ang pagkakaalam mo!”
“Talaga lang ha, alin ang mali doon? Kaibigan kita Boy e! Hindi lang kaibigan, bestfriends tayo pero anong tingin mo sa akin, throphy lang na puwedeng angkinin ng mananalo sa basketball! Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin? Ganoon ba ako kawalang kuwenta sa’yo? Ang magiging pustahan lang?”
                Namumula siya at umaagos ang mga luha sa kaniyang pisngi. Wala akong maisip na sabihin. Napahawak lang akong sa pisngi kong sinampal niya. Kahit si Jino ay nakatayo lang doon at nagulat sa bilis ng pangyayari. Kailangan kong magpaliwanag, gusto kong sabihin na mali ang iniisip nila laban sa akin ngunit paano ko iyon gagawin ngayong alam kong tuluyan nang nabasag ang sana ay maganda naming samahan?
                 “Ano? Di ba gusto mo akong kausapin? Bakit hindi ka magsalita?” diretso ang luhaang mata ni Lexi na nakatingin sa akin. Naghihintay siya ng paliwanag ko.
                Kaya lang, sa mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang aking sarili. Nakatingin silang lahat sa akin. Naghihintay sa maari kong sasabihin. Para kasing may kung anong bumabara sa lalamunan ko. Hindi ko kayang iayos sa magandang pagpapaliwanag ang nasa isip ko.
                “Sorry Lexi. Sige na, mali na kung mali ako pero ahhh!” tinapik ko ang noo ko. Frustrated ako sa sarili ko kung bakit wala akong maapuhap na sasabihin. “Ang hirap naman e! Hindi ko alam kung paano ko sa’yo ipaliliwanag sa paraang maiintindihan mo.”

Wednesday, February 25, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 10

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

“Ayaw kong manghimasok. Sorry Boy, pero siya ang dapat mong kausapin at hindi ako. Ngayong alam mo na ang pagkatao ko. Nasa sa’yo kung ituring mo pa akong kaibigan. Mahirap sa aking sabihin ito sa’yo pero gusto kong tanggapin muna ang sarili ko bago ako matanggap ng iba. Alam at tanggap na ako ng pamilya ko at bukod sa kanila, sa’yo ko palang ipinagkakatiwala ang pagkatao ko. Wala akong balak ipagsigawan sa buong mundo kung ano ako…
Biglang may gumalaw sa di kalayuang cubicle.
Tumayo siya.
“Paano ako Jokyo Jino? Hindi mo ba din ba ako pakikiusapan?” si Philip.
Natatawa sa kaniyang mga narinig.
Nagkatinginan kami ni Jino.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Ako ang nahihiya para sa kaniya.
Alam kong kahit hindi siya sa akin magsabi ay ayaw niyang siya ang magiging tampulan ng tukso ng mga istudiyante sa campus namin. Mabuti sana kung hindi siya sikat lalo pa’t alam kong madami din naman ang may crush sa kaniya. Naniniwala ako at naiintindihan ko yung nararamdaman ng kukutyain ang iyong pagkatao. Iba kasi ang sakit kapag nakakarinig ka ng tumatawag sa’yo ng bakla. Hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman kung may tumutukso sa akin na bakla ako pero ano nga ba ang kaibahan no’n sa tulad kong hindi gano’n sa taong tanggap na na ganoon siya. Sige, sabihin na nating kahit tanggap na niya iyon sa kaniyang sarili, sigurado akong iba pa din ang dating no’n kapag pinagtatawanan ka ng iyong mga kamag-aral dahil iba ka sa kanila.
Ang paghinga niya ng malalim ay alam kong pagsuko. Huling-huli na kasi siya. Sa bibig niya mismo nanggaling ang kaniyang pag-amin at mahirap kalaban ang katulad ni Philip na pinaniniwalaan ang lahat ng kaniyang sinasabi. Maaring ilang sandali lang paglabas na paglabas nito sa Student Body Organization Office ay malalaman na ng lahat at maikakalat ang pagiging bading niya. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap niya sa lahat. Walang kilos si Jino na nagsasabing ganoon siya, kahit ang kaniyang boses ay kasimbuo nang kung paano niya dalhin ang sarili para magmukhang tunay na lalaki. Isa iyong kabiglaan sa karamihan.

Tuesday, February 24, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 9

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta
Lumabas ng classroom si Jino pagkatapos niya kaming tinitigan ni Lexi. Masakit ang tinging iniwan niya sa amin. Tumayo din si Lexi at iniwan doon ang ibinigay kong chocolate at red rose. Naiwan ako. Palakpakan pa din ang aking mga kaklase na may halong hiyawan. Humihirit ng isa pa daw na kanta. Nilingon ko ang dalawang bestfriend kong lumabas sa pintuan ng aming classroom. Mabilis na kumilos ang paa kong sumunod sa kanila.
“Lexi, wait!” sigaw ko.
Hindi siya lumingon. Hinahabol niya si Jino at ako ay humahabol din kay Lexi. Sa mga sandaling iyon, walang humahabol sa akin. Walang nagsasabing kailangan kong panindigan ang gusto ko.
Nakatingin sa amin ang ibang mga mag-aaral ngunit wala akong pakialam. Kailangan kong makausap si Lexi. Kailangan kong malaman kung ano ang kaniyang saloobin sa ginawa kong iyon. Gusto kong magpaliwanag. Nasimulan ko na at kung sakaling mali ang hinala kong mahal niya ako, manatili man lang siya sa akin bilang kaibigan.
Nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya.
“Wait! Please Lex, mag-usap naman tayo.” Alam kong sa mga sandaling iyon ay nakikiusap ang mga mata ko sa kaniya. Humingi lang ako ng kahit ilang sandali.
Tumingin siya sa papalayo sa aming si Jino.
“Kailangan kong kausapin ang pinsan ko, Boy.”
“Para saan, bakit kailangan mo sa kaniyang magpaliwanag?” tanong ko.
Bago lumiko si Jino ay tumigil siya. Nakita kong nakita niya akong hawak ko ang braso ni Lexi. Nakatingin din kaming pareho ni Lexi sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang nawala.
“Okey, here’s a deal, after we talk, kailangan mong kausapin din si Jino. Makikinig ako sa sasabihin mo sa akin, sasagutin ko kung may gusto kang itanong.”
“Thanks.” Sagot ko. “Doon na lang tayo mag-usap”
Itinuro ko ang isang puno na napapaikutan ng sementong ginawa ding upuan naming mga istudiyante. Tahimik naming tinungo iyon. Nauna siyang umupo. Tumabi ako sa kaniya. Humugot ako ng malalim na hininga para mas madali sa aking mailabas ang gusto kong sabihin ngunit hindi ko alam kung paano simulan na hindi siya nagtatanong. Nauunahan na naman ako ng hiya. Muli kong naranasan yung hiyang may halong takot. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko. Lumingon ako sa kaniya.
“Akala ko ba gusto mo akong kausapin?” tanong niya.
“Tungkol sana sa nangyari kanina.” Pagsisimula ko.
“Exactly, iyan din ang gusto kong pag-usapan natin.”tumingin siya sa mga kuko niya. parang may kung ano siyang binabasa doon. Ilang sandali pa ay tumingin siya sa akin. “Ano ‘yun Boy? Bakit may gano’n?”
Yumuko ako. Sinapo ko ang aking ulo. Kailangan ko nang panindigan.

Sunday, February 22, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 8

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

“Anong ginagawa ninyo dito?” tanong ko habang nakatalikod akong isinusuot ko ang damit ko. Nahihiya at naasiwa pa din kasi ako sa tingin nila sa katawan ko lalo na kay Jino.
“Duh, enrolment natin ngayon. Naku ha!” si Lexi.
“Ah ngayon na ba ‘yun?”
Alam kong pawisan pa ang mukha ko nang hinarap ko sila.
“Magpunas ka muna ng pawis sa mukha…”
“Punasan mo muna ang pawis mo sa mukha.”
Halos sabay nilang sinabi iyon. Sabay din silang nag-abot sa akin ng hawak nila. Si Lexi, ang facial tissue at si Jino ang kaniyang panyo.
Hindi ko alam kung kanino ang kukunin ko, ang facial tissue o ang panyo? Walang gustong magbaba sa kanila. Kanino ba ang pipiliin ko?
“Okey lang ako.” Wala akong tinanggap sa iniaabot nila sa akin. “Puwedeng maligo muna? Sandali lang promise.”
“Sige hihintayin ka namin.” Nakangiting sagot ni Lexi.
Pinapasok ko na muna sila sa bahay at binilinan ko si Manang na magprepare ng miryenda para sa mga kaibigan ko sa sala habang naghihintay. Sa banyo sa kuwarto ko na lang ako naligo. Nang nakapaghubad na ako ay muli kong pinagmasdan ang aking katawan. Lalaki din kaya ang katawan ko katulad ng kay Jino?
Naninibago ako sa mga ikinikilos ko sa mga nagdaang araw. May mga pagbabago sa pangangatawan ko. Pati ang boses ko iba na din. Madalas ding makati ang palibot ng aking ari. Nang una hindi ko iyon pinapansin, kamot lang ako ng kamot hanggang sa nang tinignan kong mabuti ay may nakita kong tumutubong buhok. Pubic hair. Meron na din kaya si Jino ne’to?
Sinabon ko ang buo kong katawan. Nahagip ko na naman ang maselang bahaging iyon.
“Buboy, huwag muna ngayon. May lakad ka.” Bulong ko sa aking sarili.

Monday, February 16, 2015

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 7

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Bumilis ng bumilis ang tibok ng aking puso. Naramdaman ko na lamang na nakikiraan na ako sa mga kaklase kong yakap ang kanilang mga magulang. Kasabay ng mabilis na pagbaybay ng luha sa aking pisngi ang bilis ng aking paghakbang para maabutan sila na noon ay tuluyan nang nakalabas ng gym.
“Dadddyyyy!” sigaw ko. Hindi ko na kasi sila makita pa. Wala na akong naabutan pa sa kanila. “Daddyyyy!” muli kong sigaw.
Tumakbo ako patungo sana ng gate.
“Anak, nandito kami.” Boses iyon ni Daddy Ced.
Lumingon ako. Naroon sila sa labas at gilid ng gym. Pinapatahan nila si Daddy Ced sa pag-iyak.
“Sorry anak, hindi kami nakatiis na hindi ka mapanood. Pasensiya ka na sa amin anak.” Si Daddy Ced.
“Hindi bale anak, pauwi na din naman kami.” Maluha-luha ding dagdag ni Daddy Mak.
“Pa, tara na. Okey na ako.” si Daddy Ced. Dinaanan nila ako at tinapik ang aking balikat. May pilit na ngiting sumilay sa kanilang labi. Tumigil ng bahagya ang ikot ng mundo sa akin. Nakailang hakbang na sila palayo.
“Daddy!” humihikbi na ako.
Si Papa Zanjo at Tito Carl lang ang lumingon sa akin.
“Dadddyyyyy kooooooo!” sigaw ko.
Huminto sila sa lakas no’n.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanila. Nangangatog ang tuhod ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tuluy-tuloy lang ang aking pagluha.
“Bakit ka umiiyak, anak?” tanong ni Daddy Ced sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot ngunit nang bumuka ang mga braso ni Daddy para yakapin ako ay mas nauna pa akong yumakap sa kaniya.
“I’m sorry Daddy Ced…” huminga ako ng malalim. Napakahirap sa akin ang huminga dahil sa sumasabay ang aking di mapigilang paghikbi.
Naramdaman kong ginulo ng nakangiting si Daddy Mak ang buhok ko hanggang sa naramdaman ko na lamang din ang pagyakap niya sa aming dalawa ni Daddy Ced.
“Sorry for what anak, ha?” hinawakan niya ang aking balikat. Kapwa puno ng luha ang aming mga mata. Ang pagkakaiba lang ay humihikbi ako.
“I’m sorry Daddy Mak, Papa Pat at Papa Zanjo.” Hindi ko kayang sabihin kung bakit pero alam kong alam na nila kung bakit. Hindi ko lang kasi kayang isa-isahin.

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 6

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Nang sumunod ako sa kanila ay naabutan kong nag-eensayo si Jino para sa Valedictory Speech niya sa bakanteng classroom. Hawak niya ang isang notebook na pinagsusulatan niya ng idinadagdag niya kaniyang speech. Hawak din ni Lexi ang kopya ng original niyang speech na ginawa ng kaniyang advicer. Sa katulad ni Jino na mautak, hindi lang siya doon nakukuntento at naka-focus. Naalala ko pa nang sinabi niya sa amin na humingi daw siya ng permiso sa advicer niya at sa Principal namin na magdagdag siya ng sasabihin bukod sa mga nabanggit doon. Ang mahalaga lang daw naman ay masabi niya lahat ang mga nasa original speech at bahala na siyang magdagdag pa. Ang hawak ni Jino na notebook ay ang speech na kung saan niya inilagay ang buong speech na gusto niyang sabihin sa mismong araw ng aming graduation.
Nilapitan ko ang nakaupong si Lexi na noon ay nakatutok sa pakikinig kay Jino. Di nila ako pinapansin.
“Ang ganda talaga ne’tong blue bracelet na nibigay mo Lex.” Mukhang walang narinig. Hinawakan ko ang kamay niyang may bracelet. “Maganda din pala ito ano? anong kulay na uli ito? Fuschia ba? Bagay sa kamay mo, Lex.” Pagpapansin ko muli. Hindi siya lumingon.
Hindi rin huminto si Jino sa kaniyang speech. Tuluy-tuloy lang siya.
Inihipan ko ang tainga ni Lexi. Di pa din niya ako pinapansin. Muling kong inihipan. Tumayo siya at lumipat ng upuan.
Tumayo ako na din ako. Nilapitan ko ang noon ay nagsasanay na si Jino. Hinawakan ko ang braso niyang may suot na dark green bracelet.
“Ganda ah! Bagay na bagay sa kulay mo, brad. Lalo kang pumogi. Putcha! Gandang lalaki lang oh!” Paningit ko sa kaniyang speech.
Napansin kong sandaling nawala siya sa kaniyang sinasabi ngunit sandali lang iyon.
Parang wala siyang narinig o naramdaman.
“Sa akin ba maganda din itong blue? Bagay ba sa kamay ko brad?” kinalabit ko siya. “Ano brad, magkasing-gandang lalaki nab a tayo?”
Wala pa din.
Tuluy-tuloy lang siya na para lang akong tanga doon.
Binalikan ko si Lexi. Dumaan ako sa harap niya pero parang walang nakita. Itinapat ko ang mukha ko sa mukha niya. Nandiyang ginagaya ko ang mukha ng unggoy. Kinakalabit, magpapacute, ngingiti-ngiti, tatalon-talon ngunit sadyang pinanindigan na nila ang di pagpansin sa akin. Desperado na ako.
Kinuha ko ang stick sa gilid ng blackboard. Humarap ako kay Lexi. Tinakpan ko ang tinitignan niyang si Jino. Ginawa kong parang gitara ang stick saka malakas kong sinimulan ang pagkanta.
Kaibigan, tila yata matamlay
Ang iyong pakiramdam, (hinawakan ko ang baba niya)
Nakita ko ang unti-unting pagngiti nito. Konti na lang bibigay na siya.

STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 5

Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta

Huminga ako ng malalim. Nangangatog pa din ang tuhod ko kahit nakaupo na ako sa harap nila. Nakatingin ako kay Lexi. Inilabas ko ang dala kong ferrero rocher.
“Sorry na, please?” bulong ko kay Lexi. Itinulak ko ang chocolate sa harap niya.
Kinapa ko ang isa pang ferrero rocher sa dala kong paper bag. Hawak ko na iyon ngunit hindi ko alam kung paano ko iyon ilalabas. Ni hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kung ibibigay ko na iyon sa kaniya. Tinignan ko si Jino na noon ay nakatingin sa ibinigay kong chocolate kay Lexi. May kung ano sa tingin niya na hindi ko maintindihan. Sumilay ang ngiti sa labi ni Lexi.
Paano ba ‘to? Anong sasabihin ko kay Jino? Bakit ang hirap namang gawin yung noong kagabi lang ay simpleng plano ko. Bakit ako kinakabahan ng ganito!
Huminga ako ng malalim. Bahala na!
Ngunit nang iaangat ko na sana ang chocolate na nakalagay sa paper bag na dala ko ay bigla siyang tumayo. Muli kong binitiwan ang chocolate sa paper bag.
“Hindi ko na kayang pigilan pa e.” tumayo siya.
Nagmamadaling umalis.
Nataranta na ako. Nagkatinginan kami ni Lexi ngunit sandali lang iyon. Alam kong nahalata ni Lexi ang pagtataka sa aking mukha o puwede ding sabihing pagkabahala.
Nandito na ako e, ako na yung unang lumapit. Gusto ko nang makipag-ayos. Ayaw ko na ding matakot pa kay Jino. Saka tinulungan niya ako laban kina Philip kaya kailangan ko siyang pasalamatan.
“Sandali lang ha?” pabulong kong paalam kay Lexi.
“Saan ka din pupunta?” tanong niya.
Hindi ko na siya nilingon dahil nakapako ang tingin ko sa nakalabas na sa canteen na si Jino ngunit sinagot ko siya.
“Diyan lang.”
Binilisan ko ang aking paghakbang. Marami akong nakakasalubong na katulad kong mag-aaral ngunit nakatuon ang tingin ko sa hinahabol kong si Jino.
“Hoy! Sandali lang! May sasabihin lang ako! Hoyyyyy!” sigaw ko.
Alam kong narinig niya ako ngunit hindi siya lumilingon sa akin. Mas binilisan pa lalo niya ang paglalakad. Nanadya ba talaga ito?
Tumakbo ako. Nang maabutan ko siya ay lakas-loob ko siyang hinawakan sa balikat.
Ngunit pagkahawak ko ay mabilis niyang hinawakan at pinilipit ang kamay ko.
“Arrayyy! Sige na, okey na ako. Huwag ka lang manakit.”
Binitiwan niya ang kamay ko nang makita niyang namumula na ako at itinaas ko ang isang kamay ko tanda ng pagsuko.