Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Tuesday, May 12, 2015

STORY: Love Me Like I Am (Book 2) 5

“GAB!!” ang sigaw ng lalaki sa likod.
Nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin si Ace, at kita ko ang galit sa mukha niya. Pansin ko din na nasa likuran niya si Enso.
Wala pang tatlong segundo ng tawagin ako ni Ace ay lumapit ito at hinatak ang isa kong kamay palayo kay Jared.
“Umuwi na tayo..” ang matigas na sabi ni Ace.
Ngunit hinatak naman ni Jared ang kamay ko na kanina pa niya hawak-hawak.
“Gab.. Mag-usap tayo please.. kahit sandali lang.” ang nagmamakaawang sabi ni Jared.
Pagkatapos sabihin ni Jared ang mga katagang iyon ay biglang tumingin ng masama si Ace dito.
“Shit!! Baka magkaroon ng gulo dito!! Anong gagawin ko!?!?!” ang sigaw ko sa sarili ko.
…..
Patuloy pa rin ang matulis na titig ni Ace kay Jared na para bang kakainin niya ng buhay ito. Nakakatakot, nakakapangilabot, kailangan mapigilan ko kung ano man ang gulong pupwedeng mangyari.
“Please?” ang pagmamakaawa ni Jared sa akin.
“I SAID LET’S GO HOME!” ang biglang sigaw ni Ace sabay hatak sa akin.
“Ace, bitiwan mo ako!! Nasasaktan ako ano ba!!!” ang sigaw ko dito.
Napakahigpit ng hawak niya sa kamay ko, parang mababali na ito sa sobrang higpit.
“BITIWAN MO NGA AKO SABI EHH!! ANO BA!?!?” Ang malakas na sigaw ko sabay pwersahang kalas ng braso ko sa kamay niya.
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ace. Tinitigan ko siya, yung parang tingin niya kanina kay Jared. Alam ko kasing kapag galit na ako, ay wala ng magagawa si Ace kundi sumunod sa gusto ko. Ngunit iba sa pagkakataong ito.
“Umuwi na tayo..” Ang mahinahon ngunit matigas na sabi nito sabay muling hawak sa braso ko.
“Ano ba!!” ang sigaw ko ulit dito.
“Sir mawalang galang na po, pero di mo ba nakikita? Nasasaktan na si Gab. Wag mo siyang pilitin kung ayaw niyang sumama sa iyo.” Ang biglang singit ni Jared.

STORY: Ang Munting Lihim [22]

Dali-dali kaming bumalik sa puntod ng aking mga magulang kung saan naroon si Lola Isyang at nagsimula nang magdasal. “Lola Isyang… pasensya na po sa abala. P-pero may nabanggit po kayo kanina at gusto ko po lamang linawin kung tama nga ang aking narinig.” Ang sambit ko.

Biglang napalingon sa amin si Lola Isyang. “A-ano iyon, Alvin?” ang tanong niya.

“Nasabi niyo po na ‘…tandang-tanda ko pa ang ang matinding saya sa mukha ni Itang noong ibinalita ko sa kanya na isang napakakisig at napakalusog na batang lalaki ang iniluwal niya’. Tama po ba?”

Nag-isip siya ng sandali. “I-iyan ba ang n-nasabi ko?”

“Opo… at alam ko pong Itang ang tawag ng mga tao sa aking inay Pacita” sabay lingon ko kay kuya Andrei na nanlaki rin ang mga mata sa napuna ko. “S-sino po ba ang nagluwal kay kuya Andrei? Ang inay Pacita po ba?” dugtong kong tanong.

Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Lola Isyang sa aking tanong. Marahil ay hindi niya inaasahang mapansin ko ang sinabi niyang iyon na maaaring hindi rin niya sinadya. “A… e…” ang paunang naisagot niya na mistulang nag-isip sa sunod na sasabihin. “Ay… ito namang batang ito. I-iyang ang ibig kong bigkasin, hindi Itang. Aurea kasi ang pangalan ng inay ng kuya Andrei mo kaya Iyang ang tawag ko sa kanya. Hindi Itang, Iyang ang ibig kong bigkasin. Nagkamali lang ako.” ang dugtong pa niya.

Parang nadismaya naman ako sa sagot niyang iyon. Parang hindi ako kumbinsido. “Lola… hindi po Iyang ang tawag ng mga tao sa inay ko. Auring po… Wala pa po akong narinig na tumawag sa kanya ng Iyang. Ang inay Pacita lang po ang minsan ay tinatawag nilang Itang.” ang pagsingit naman ni kuya Andrei.

“A, eh… a-ako lang siguro ang tumatawag sa kanya ng Iyang.” ang sagot uli ng matanda.

Monday, May 11, 2015

STORY: Love Me Like I Am (Book 2) 4

Nagtitigan kami, mata sa mata. Unti-unting nagkalapit ang mukha namin, hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko.

“Wala ito sa plano ko! Wala sa plano kong mahulog muli sa kanya! P-Pero bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang magnetismong taglay niya?” ang sabi ko sa sarili ko.
Palapit ng palapit ang mukha namin. Konting-konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi..
Magkadikit na ang aming noo kasama ang aming ilong ng bumalik ako sa aking katinuan. Kumalas ako at pagkatapos ay tumakbo paalis.
Sa gabing iyon, hindi ko nagawang makatulog ng mahimbing. Naisip ko ang mga plano ko, wala sa plano ko ang mahulog muli sa kanya. Wala sa plano ko ang mahalin siya ulit. Naisip ko din si Ace, naisip ko na baka dumating ang panahon na mapagtaksilan ko yung tao. Ang taong sobrang nagmamahal sa akin.
“Hindi! Hindi Pupwede ito!” ang sabi ko sa sarili ko.
Kinabukasan..
“Gab, Sasama si Enso ha?”
“Ace!! Alam mong nandoon si Jared! Gusto mo bang magkita sila? Gusto mo bang masabotahe ang mga plano ko?” ang sabi ko.
“Basta! Gusto ko sumama si Enso.”
“Please Kuya Gab? Please?” ang sabi ni Enso
“Hindi pwede!” ang sigaw ko.
“Ace, kasama ko buong araw si Jared ngayon. Hindi pupwede!” ang sabi ko dito.
Tumingin lang si Ace at ilang sandali pa ay..
“Ok sige..”
“Kuya Ace!!” ang sigaw ni Enso.
Ngunit hindi sumagot si Ace at isang tingin lang ang ginawa nito kay Enso.
At ayun na nga, hindi sumama ang makulit na bata, este damulag.
Sa Opisina..

STORY: Ang Munting Lihim [21]

“Itayyyyyyyy!!! Itayyyyyyyy!!! Itayyyyyyyyyyyy!!!” ang pagsisigaw ko habang hinawak-hawakan ko ang kanyang braso at pilit na ikinilos ang katawan niya.

Ngunit hindi na niya ako sinagot pa.

“Duktor! Duktorrrrrrrr!” ang pagsisigaw ko. Halos puputok na ang aking baga at lalamunan sa tindi ng aking pagsisigaw.

Dali-daling pumasok ang mga duktor at pilit nilang ni-revive ang paghinga ng itay. Ilang beses din nila itong binigyan ng electric shock ngunit wala na talagang palatandaan na buhay pa ang itay.

“I’m sorry…” ang sambit ng duktor sabay muestra sa mga nurse na ipalabas na lang ang bangkay ng itay at dalhin ito sa kanilang morgue.

Ang sakit. Sobra. Iyon bang nakikita mo ang iyong magulang na wala nang buhay, hindi ka na naririnig, hindi na nakakagalaw. Mistulang isang bagay na lamang siya na walang saysay. At ang sakit na naramdamn ko ay hindi lang dahil sa pagkawala niya at ng inay kundi nadagdagan pa ito sa iniwang pagbubunyag tungkol sa tunay kong pagkatao. Para bang hayun, nawala na nga sila, nag-iwan pa sa akin ng masakit na katotohanang itinatago nila sa akin sa napakahabang panahon. Parang lumabas na pinaglaruan lang nila ang buhay ko. Parang wala silang pakialam sa aking damdamin. Parang isang aso lang ako na inalagaan, walang pakiramdam at walang pakialam kung saan ang kanyang pinagmulan.

Halos hindi ako maaawat sa pag-iiyak sa harap ng labi ng aking itay, naghalo ang aking naramdaman: lungkot sa kanyang pagkawala at ang sama ng loob.

“Kam… huminahon ka. Lakasan mo ang iyong loob.” sambit ni Noah sabay yakap sa akin at tinapik-tapik pa ang aking likod.