Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Sunday, May 10, 2015

PHOTO: Antonio's Paradise


A Rey Cardinal Photography. Antonio's Paradise. Nice one!

STORY: Love Me Like I Am (Book 2) 3

Nasa ganoon akong pag-iyak ng may nag-text. Si Ace! At ang message niya ay..

“Gab.. Bumaba ka ngayon din, merong naghahanap sa iyo sa telepono.. MAMA MO DAW.”
Hindi ako nakakibo.. Hindi ako nakapagsalita.. Para akong naging istatwa sa nabasa ko.
Biglang nag-ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Ace. Hindi ko agad sinagot imbis ay nag-isip ako ng pwedeng gawin. Ilang sandali pa ay sinagot ko ang tawag niya.
“Hello Ace..”
“Hello Gab! Pumunta ka sa Office mo ngayon din!” ang sabi nito.
“Ace, tell her that I’m busy. Na.. na..” hindi ko natapos dahil muli, pumatak ang luha ko.
“Gab, please answer it. Please. Kahit yan lang.” ang sabi ni Ace.
Wala akong nagawa kundi ayusin ang sarili, at bumaba. Nang makababa na ako ay dumiretso ako sa office room ko kita ko na si Ace lang ang nandoon. Paglapit ko kay Ace ay binigay nito ang isang cellphone.
“Hello Ma’am.” Ang sabi ko.
“Hello. Gab anak ikaw na ba ito?” ang sabi ni Mama sa kabilang linya.
Hindi ako nakapagsalita imbis nag-umpisa na akong maluha at tiningnan si Ace.
Tumango lang ito senyales na sabihin ko na.
“Gab anak magsalita ka naman. Anak, si mama ito!” ang sabi ni mama na naiiyak na.
“I-I-I’m so sorry ma’am, I think wrong number po kayo.” Ang nasabi ko na lang kasabay ang patay ng cellphone.
Pagkatapos noon ay humagulgol na ako. Si Ace naman ay tiningnan ako ng masama at..
“Anong ginawa MO!!??” ang sigaw ni Ace sa akin.
“Ace, h-h-hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.”
“Edi sana kinausap mo man lang. Pinaalam mo na ok ka.” Ang naka-sigaw na sabi pa rin ni Ace.
“Ace, you know na hindi ko magagawa yan. Oo gustong-gusto kong ipaalam kay mama na ok ako. Pero paano ko gagawin iyon? Paano ang plano ko? PAANO ACE SIGE NGA!” ang sigaw ko sa kanya.
“Masmahalaga pa ba ang plano mo Gab kesa sa pamilya mo? Masmahalaga pa ba ang paghihiganti mo kesa sa pamilya mo? Ganyan ka na ba ngayon ha!! Ang Selfish mo!” ang sigaw nito habang madiin niyang hawak ang balikat ko at yinuyugyog ito.

STORY: Ang Munting Lihim [20]


“K-kuyaaaaa! K-kuyaaa!!!” ang pilit ko pa ring pagsisigaw bagamat ramdam kong unti-unting nawalan ako ng lakas.

At, “Blagggg!”

“Love! Love!” ang narinig kong boses.

Agad kong iminulat ang aking mga mata. Si Brix pala. “A-anong nangyari?” ang tanong ko.

“Nanaginip ka! Nagsisigaw ka ng ‘Kuya! Kuya!’ tapos hayan, nalaglag ka sa kama natin…”

Bigla rin akong natauhan at nakahinga ng maluwag, nagpasalamat na panaginip lang pala ang lahat. Para kasing totoo. Parang naglalaro pa rin sa isip ko ang buogn pangyayari. Pati ang matinding takot at mabilis ng pagkabog ng aking puso ay ramdam ko pa rin.

Inalalayan ako ni Brix na makatayo at muling makahiga sa kama, sa tabi niya. “A-anong oras na ba?” ang tanong ko.

“Mag-aalas dos na ng madaling araw. Ano ba ang napanaginipan mo?” tanong niya habang inilingkis ang braso sa aking katawan noong nakahiga na kaming pareho sa kama.

“S-si kuya Andrei… ikinasal na raw at sa galit ko kay Ella, binaril ko siya. Tapos, si kuya Andrei ang natamaan at ako naman ang binaril ng sundalo.”

“Iyan… kasi palagi mong iniisip silang dalawa eh.”

“Galit na galit kasi ako sa babaeng iyon. At galit din ako kay kuya Andrei… hinayaan niya ang sariling magamit sa balahurang babaeng iyon.”

“Hayaan mo na sila… marealize din ng kuya Andrei mo ang lahat na mali siya sa ginawa niyang pagpakasal kay Ella.”

Friday, May 8, 2015

STORY: Love Me Like I Am (Book 2) 2

Tumakbo ako, lahat ng lakas ay binuhos ko para abutan ang sasakyan ng mahal ko. Lahat ginawa ko para madinig niya ang tinig ko.

“Gab!!!” ang sigaw ko habang habol hininga ako sa pagtakbo.
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo sa gitna ng maluwag at malawak na highway, hindi alintana kung mayroong mga iilang sasakyang dumadaan, basta maabutan ko lang ang sasakyan niya.
Nang bumilis ang andar ng kanyang sasakyan ay tinangka kong bilisan ang pagtakbo ko, ngunit bigla akong natapilok na naging sanhi ng pagkaluhod ko.
Wala na akong nagawa kundi humagulgol dahil alam ko na wala ng pag-asang maabutan ko pa siya.
.......................
.......................
.......................
Nasa gitna ako ng pag-iyak ng napansin kong tumigil ang sasakyan niya at nakita kong may bumaba.
“Si Gab!!” ang sigaw ko sa sarili ko.
Nakita kong tumakbo siya palapit sa akin. Pinilit ko naman ang sariling tumayo at salubungin siya. Habang papalapit siya ay napansin ko ang luhang dumadaloy sa kanyang mukha, napansin ko din ang matamis niyang ngiti. Ilang sandali ay yinakap niya ako na ginantihan ko din ng yakap.
Parang wala ng bukas ang pagyayakapan namin, dinig ko din ang paghagulgol niya at ramdam ng balikat ko ang luha na tumutulo galing sa kanyang mga mata.
“Mahal na mahal kita Jared, Sorry sa nagawa ko. Sorry sa pag-iwan ko sa iyo.” ang humahagulgol niyang sabi.
“Ok lang Gab, ok lang mahal ko. Ang importante ay nandito ka na. Mahal na mahal kita.”
Kumalas ako sa pagyayakapan namin at tinitigan ang kanyang mata.
“Napakaganda talaga ng mata ng mahal ko” ang sigaw ko sa isip ko.