Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.

Monday, April 13, 2015

STORY: BOOK 1 - Love Me Like I Am [10]

Part 10: "When You Say Nothing At All.."



Kinabukasan habang nasa sasakyan kami pauwi,
AKO: “Ely, wag ka na nga magmake-up, ang pangit na kaya.”
ELY: “Hay naku ayan ka nanaman bebe Gab, pinakekeelaman mo nanaman ako.” Sabay lagay naman ng lipstick. Hehehehe..
AKO: “Ang sagwa sagwa na ehh..”
ELY: “Ako masagwa? Sa GANDA KONG ITO!!” sabay pose na parang bold star. Hahaha.
AKO: “Hoy, Elyana! Magtigil ka nga!! Katabi mo pa man din si manong oh (tukoy ko sa driver..) Kadiri ka!!”
ELY: “Kapal ng mukha mo bebe Gab, sabihin mo lang nagagandahan at nasesexyhan na talaga kayo sa akin nuh.”
AKO: “Sira ulo, Baliw, bahala ka nga dyan.” Ang natatawa kong sabi.
ELY: “Talaga!! Anyway Highway, makinig na lang tayo sa music ohh.. Mukhang maganda.” Ang tukoy niya sa nag-uumpisang kanta na galing sa radio.

Saturday, April 11, 2015

STORY: BALIK TANAW

Ang pinakauna kong natatandaan kay Riel ay nung inagawan ko siya ng lollipop. Mga 5 years old pa lang ata kami noon, or maybe mas bata pa nga. Basta ang tangi kong natatandaan ay isang red lollipop, isang chubby-cheeked at medyo naiiyak na Riel at isang malawak na garden.
Nang makita ni Mama ang ginawa ko, agad niyang kinuha ang lollipop at binalik ito kay Riel. Si Riel na hindi na ito tinanggap bagkus ay inayawan.
Inakala ko pa nga na dahil ayaw na iyon ni Riel, I'll get to eat it. Pero tinapon lang ito ni mama. Hindi ko alam, pero sobra akong nainis at napaiyak na lamang ako.
Mula noon, lagi ko nang inaasar si Riel. Ayaw ko na nga makita si Riel pero ano bang magagawa ko, magbest friends ang mama namin. And to add insult to the injury, magkapitbahay pa kami. Wala talaga akong magawa. Kaya hindi ko siya tinigilan. Hindi ko na siya inaagawan ng lollipop. Hindi. Ibang bagay na nga lang.
Tuwing may nilalarong laruan si Riel, aagawin ko ito. Kapag nagdradrawing siya, magdradrawing din ako at sisiguraduhin na mas maganda ito. Pero, unfortunately, mas magaling talaga siya magdrawing kaya inaagaw ko na lang ito at pinupunit. Hindi lumalaban si Riel, lagi lang siya naiyak. At kapag naiyak siya, pinapalo ako ni mama.
Ewan ko ba, kahit ganoon, hindi pa rin ako nadala. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko na asarin siya. Hindi ko alam kung bakit trip na trip kong laging magpapansin sa kanya.
Pero syempre, nagbago din ang lahat.
We were around 7 nung nagkasundo rin kami. Mas tanda ko ito kaysa doon sa una kong memorya sa kanya. It was a sunny day at nasa garden kami ng bahay nila Riel, nag-uusap si mama at tita Che (mama ni Riel) pero wala pa si Riel. May kinukuha daw sa loob sabi ni tita Che. Pagkalabas ni Riel, habang naglalaro ako mag-isa, nilapitan niya ako. He was looking at me as if nag-aantay siya kung aawayin ko pa siya. Pero syempre, kaka-7 ko pa lang nun kaya feeling big boy na ako at feeling so mature kaya hindi ko na siya inaway, bagkus ay nakipagtitigan na lamang siya. After a while, ngumiti lang si Riel at inabot sa akin ang nakasarang palad.

STORY: HIDDEN DESIRE

PAALALA: Ang kwentong ito ay katha-isip lamang bunga ng imahinasyon. Karamihan ng nasusulat; pangalan, lugar at mga pangyayari ay tanging gawa lamang maaari ng pantasya, kuro-kuro o sabihin nating mga pangarap.
Muli, ako po si Vaughn Real (di ko tunay na pangalan), 19 years old na po ako at nag-aaral sa isang masasabi nating sikat, prestihiyosong at pinakamatandang unibersidad sa buong Pilipinas sa kursong BS Pharmacy. Hindi po ako mayabang at nag-aangat ng sariling bangkuan/upuan, pero masasabi kong may itsura naman ako kung tutuusin; may lahing intsik kaya’t maputi, makinis ang balat, maliit at manipis ang labi na may angking natural na kulay na mamula-mula, may pagkawavy ang buhok at may katangusan ang ilong. Sa tangkad ay medyo pinagkaitan ako ng kaunti sa height kong 5’6. Medyo defined ang katawan dahil nahilig din ako sa paggygym at naging varsity ng football noong high school. Marami ring nagkakagusto sa aking babae man o bakla. Pero ang kwento ito ay hindi tungkol sa akin, hindi tungkol sa kung sino ba ako; kundi tungkol sa kung ano ba ang gusto ko… ang pangarap ko…
Gaya ng sinabi ko, marami din namang nagkakagusto sa akin, pero hindi ko alam wala akong magustuhan simula nang mangyari sa akin ang mga masasakit, simula ng matuto akong umiyak para ibsan ang nararamdaman – simula ng ako’y magmahal ng sobra-sobra. Si Jun (mula sa true-tolife series na kasalukuyan ko pa lamang isinusulat), siya lamang ang mahal ko kahit ilang taon na ang nakalipas siya pa rin ang hinahanap ko.
Natuto akong manigarilyo, mag-inom at nabarkada simula nang mag-kolehiyo dahil sa pag-aakalang ito ay maghuhupa sa nararamdaman kong paghahanap sa best friend ko. Pero hindi, kaya’t nagawa ko na rin ang mga hindi inaasahan, mga hindi ko dapat gawin. Sex dito, sex doon – pokpok na nga yata akong maituturing. Nariyang ginugusto kong magustuhan nila ako at saka ko sila iiwan; hindi dahil sa gusto kong makasakit kung hindi dahil takot akong iwan – takot na takot akong masaktan.

STORY: "ANG MGA PINSAN KONG SEKYU" 1

UNANG BAHAGI
Ako si Ryan. Bente-otso anyos na ko ngayon. Binata at nagtatrabaho sa isang engineering firm. 5'6 ang taas at medyo slim. Maputi din ako na siyang minana ko sa aking ina. Ito ang kwento ko at ng aking mga Pinsang Sekyu. Nangyari ito nung ako ay highschool pa lamang. This is my very first attempt to put my experience into words so I apologize if my writing style does not please everyone. Comments will be very much appreciated.
Elementary pa lang ako alam ko ng kakaiba na ako. Aral at bahay lang ang inatupag ko. Di ako nahilig sa sports. Sa board games ako magaling. Nagkasakit ako ng malubha nung grade 2 ako at matapos mailabas ng ospital, naging mahigpit na ang nanay ko sa pagbabantay sa akin. Maraming ipinagbawal. Bawal mapagod ng sobra. Bawal magpapawis ng sobra. Di din ako pwede magbilad ng araw ng matagal. Dahil sa madaming bawal lalo na sa laro, ginawa ko na lang abala ang sarili ko sa paglalaro ng board games at pagsagot ng crossword puzzle. Konti lang ang mga nagging kaibigan ko Sa school naman, di din ako active sa mga pisikal na activities. Mas napapansin ako sa mga quiz bee at contests. Mas nagging malapit ako sa mga kalaro kong nerds at walang inatupag kundi ang magaral.
Dahil madalas nanagmumuni muni lang, unti-unti ko na ding napapansin ang mga kaklase kong lalaki. Kung gaano kaganda ang mata nila. Sinong may magandang ngiti. Sinong may makapal ang kilay. Sinong balbon. Sinong malaki ang bukol tuwing naka PE uniform. Bagamat ganito ang nararamdaman ko ay di ako nagpahalata. Sundalo ang tatay ko kaya di pwedeng lalambot lambot ka sa bahay. Tiyak na mapapatay ako nun oras na malaman nya na may pusong mamon ang anak niya.