PAALALA: Ang kwentong ito ay katha-isip
lamang bunga ng imahinasyon. Karamihan ng nasusulat; pangalan, lugar at
mga pangyayari ay tanging gawa lamang maaari ng pantasya, kuro-kuro o
sabihin nating mga pangarap.
Muli, ako po si Vaughn Real (di ko
tunay na pangalan), 19 years old na po ako at nag-aaral sa isang
masasabi nating sikat, prestihiyosong at pinakamatandang unibersidad sa
buong Pilipinas sa kursong BS Pharmacy. Hindi po ako mayabang at
nag-aangat ng sariling bangkuan/upuan, pero masasabi kong may itsura
naman ako kung tutuusin; may lahing intsik kaya’t maputi, makinis ang
balat, maliit at manipis ang labi na may angking natural na kulay na
mamula-mula, may pagkawavy ang buhok at may katangusan ang ilong. Sa
tangkad ay medyo pinagkaitan ako ng kaunti sa height kong 5’6. Medyo
defined ang katawan dahil nahilig din ako sa paggygym at naging varsity
ng football noong high school. Marami ring nagkakagusto sa aking babae
man o bakla. Pero ang kwento ito ay hindi tungkol sa akin, hindi tungkol
sa kung sino ba ako; kundi tungkol sa kung ano ba ang gusto ko… ang
pangarap ko…
Gaya ng sinabi ko, marami din namang nagkakagusto sa
akin, pero hindi ko alam wala akong magustuhan simula nang mangyari sa
akin ang mga masasakit, simula ng matuto akong umiyak para ibsan ang
nararamdaman – simula ng ako’y magmahal ng sobra-sobra. Si Jun (mula sa
true-tolife series na kasalukuyan ko pa lamang isinusulat), siya lamang
ang mahal ko kahit ilang taon na ang nakalipas siya pa rin ang hinahanap
ko.
Natuto akong manigarilyo, mag-inom at nabarkada simula nang
mag-kolehiyo dahil sa pag-aakalang ito ay maghuhupa sa nararamdaman kong
paghahanap sa best friend ko. Pero hindi, kaya’t nagawa ko na rin ang
mga hindi inaasahan, mga hindi ko dapat gawin. Sex dito, sex doon –
pokpok na nga yata akong maituturing. Nariyang ginugusto kong magustuhan
nila ako at saka ko sila iiwan; hindi dahil sa gusto kong makasakit
kung hindi dahil takot akong iwan – takot na takot akong masaktan.
