Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta
Nang dumaan ako sa harap ng mga Tau Gamma ay malakas ang kaba sa dibdib ko pero hindi ako nagpahalata. Sa akin kasi nakatingin ang tropa ko. Naniniwala akong di nila ako pababayaan.
“Opppss putaaaa!” gulat na singhal ko.
Tinisod ako ng isa sa mga nakaupo.
Nawalan ako ng balanse at sumubsob sa katabing mesa.
Ang nakakainis ay nagtawanan pa sila.
Tumayo ang tumisod sa akin at mabilis niya akong kinuwelyuhan.
“Ano ha! May angal! Lalaban ka?”
Dahil sa naipong galit sa dibdib ko sa pagpapahiya nila sa akin ay mabilis ko siyang binigwasan ng suntok sa panga.
Pumasok iyon.
Nabitiwan niya ako.
Nagsitayuan na sila at iyon na din ang hudyat sa tropa kong lumaban nang napansin nilang sinimulan na nga nila ang riot. Nakita kong mabilis na lumabas sa CR ang lalaking may hawak na balisong kanina. Sa akin ang diretso niya.
Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Ang kanina ay masayang inuman namin at kuwentuhan ngayon ay nauwi na sa rambulan. Bangayan at suntukan na ang tanging nakikita ko sa aking paligid. Bago tuluyang nakalapit sa akin ng kaninang may hawak ng balisong ay pinulot ko ang isang upuan at ubod ng lakas kong ipinukol iyon sa kanya. Tumama iyon sa balikat niya, nabitiwan nito ang balisong at halos mapaupo siya sa lakas ng pagkakatama niya.
Hindi siya nagpatinag. Mabilis siyang humakbang para gantihan ako ngunit bago pa man niya ako nalapitan ay hinarap na siya ni Kuya Jello.
“Bata atras na! Kaya na namin ‘to!” sigaw ni Kuya Jello sa akin.
Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.
Sunday, March 1, 2015
Saturday, February 28, 2015
STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 13
Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta
Inilagay ko sa balikat ko ang gitara at dahil wala naman akong ibang madaanan kundi sa kung saan sila nag-aabang ay payuko na lang akong dumaan sa harap nila. Ayaw ko na silang tignan lalong-lalo na ang kausapin pa sila. Nang nasa tapat na nila ako ay maagap si Lexi na pinigilan ako sa paghawak niya sa aking braso ko.
“Wait! Boy, please let us talk?”
Hindi ko siya tinignan. Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad ngunit wala siyang balak pakawalan ako hanggang halos yakapin na niya ako. Hinawakan din ni Jino ang isa pang braso ko kaya wala na akong magawa kundi ang harapin sila.
“Bakit ba?” singhal ko.
“Boy, bumabalik ka na naman sa dating ikaw. Kami dapat ang nagtatanong sa’yo ng bakit? Tatlo ang nasaktan mo sa araw na’to.” si Lexi. Nakatingin siya sa aking mga mata ngunit ako ang umiiwas.
“Bakit? Kasi gusto ko. Di ba nga wala na kayong pakialam sa akin? Kaya anong karapatan ninyong tanungin ako ngayon sa gusto ko?”
“Anong sinasabi mong wala na kaming pakialam sa’yo? Hindi gano’n ‘yun Boy.” Umiling-iling siya. Hinawakan niya ang palad ko. “Sige, sabihin na nating gano’n ang pagkakaintindi mo sa ginagawa namin, pero kailangan pa bang may masasaktan ka pang iba?”
“Bakit Lexi, alam mo ba ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon? Huwag mo akong husgahan na parang kilalang-kilala mo na ako dahil ako mismo, pagkatapos ng ginawa ninyong pang-iiwan sa akin ay hindi ko na kayo kilala pa ni Jino.” Binawi ko ang palad kong hawak-hawak niya.
“Sige, sabihin mo sa amin. Anong dahilan at kailangan mong makipagsuntukan?”
“Huwag na, akin na lang ‘yun.”
“O di ba? Ang gulo mong kausap? Iyan ang mahirap sa’yo e. Ayaw mong magsabi kung tinatanong ka tapos gagawa-gawa ka ng isang desisyon na ikagugulat na lang namin.”
Natawa ako.
“Ikagugulat ninyo? Bakit ano ba ako sa inyo? Hindi ba wala lang? Pagkatapos kong magpakatotoo kung ano ang nararamdaman ko sa’yo Lexi, itinapon mo na lahat. Sinaid mong lahat. Kahit lang sana ibinalato mo na lang yung turingan natin bilang matalik na magkaibigan. Nabasted na nga ako, nawalan pa ako ng mga best friends. Tapos ngayon may ginawa ako, para na kayong sino kung magtanong na parang bang bigla na lang kayong nagkaroon ng pakialam.”
“Boy, tinatanong naming kung bakit ka nakipagsuntukan, iyon yung siguro kailangan nating pag-usapan dahil sa totoo lang, ayaw ko nang maging ikaw yung dating Romel na nakilala namin.” Si Jino. Hindi na niya natiis pang hindi sumabad sa mainit na usapan namin ni Lexi.
“Gusto mong malaman ha!” inilapit ko ang mukha niya sa mukha ko. Amoy ko na ang kaniyang hininga at ganoon din siya sa akin. Halos maglapat na an gaming mukha.
Napalunok siya.

Friday, February 27, 2015
STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 12
Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta
“Ikaw, mahal mo ba siya?” tanong ko.
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking pisngi para tanggalin iyon dahil naaasiwa ako lalo pa’t dalawa lang kami doon.
Sasagot palang sana siya ngunit biglang may pumasok sa hindi isinara ni Jino na pintuan.
Nakita ko si Miggy.
Nakatingin siya sa amin habang ang kamay ni Jino ay nasa aking pisngi at nakahawak din ako sa kamay niya.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Nagulat si Miggy sa naabutan niya. Hindi siya nagsalita ngunit halata sa mukha niya na hindi niya gusto ang naabutan niya sa amin.
Bago siya makalabas ay nakasalubong niya sina Lexi at Jheck na noon ay nakatingin na din sa amin. Dahil sa pagkagulat naming dalawa ay huli na nang tanggalin namin ang aming mga kamay, siya sa pisngi ko at ako sa kamay niya.
Pero iyon lang ‘yun. Sa akin walang malisya, hindi ko alam sa kanila kung may ibig sabihin no’n. Ngunit iba ang dating ng tingin nila. May kahulugan at di ko alam kung kailangan kong magpaliwanag.
“What?” tanong niya kina Jheck at Lexi. “Masama bang i-comfort ko siya? I just feel bad for what we did and it is too unbecoming of us to cheer Philip and not him!” Tinalikuran niya ako. Yumuko ako. Ibinigay ko na lang kay Jino ang pagkakataon na ipaliwanag ang naabutan nila.
“Di ba napag-usapan na natin ang tungkol dito? Ano na naman ‘tong ginagawa mo?” tanong ni Lexis a kaniya.
Napailing ako. Alam ko naman ‘yon may usapan sila kaya ako laging nagmumukhang tanga. Iyon yung mahirap e, yung alam mong pinagkakaisahan nila ako at wala akong magawa kundi ang parang tanga lang na isipin kung alin ba ang mali.
Nilingon muna ako ni Jino bago siya naglakad palabas. Halata kong umiwas na lang siyang ipilit pa ang gusto niya kay Lexi. Nagkatitigan muna kami ni Lexi bago sila tuluyang lumabas ni Jheck.
Naiwan na naman ako doon na parang akala mo may nagawang masama. Ako ba ang lumapit? Ramdam kong malapit na maubos ang pasensiya ko at pagtatangi kay Lexi. Sagad na sagad na ako ngunit gusto ko lang kasing patunayan na kahit ganito lang ako sa tingin nila ay tapat din naman akong kaibigan.

Thursday, February 26, 2015
STORY: IF IT’S ALL I EVER DO CHAPTER 11
Best Teen Bromance Novel by: Joemar Ancheta
Hindi ko na napaghandaang ang isang malakas at malutong na sampal na iyon na pinakawalan niya sa aking pisngi.
“May mukha ka pang iharap sa akin pagkatapos mong makipagpustahan kung kanino ako dapat mapunta! Hayop ka!” singhal niya. Kasabay iyon ng masaganang pagbabay ng luha sa kaniyang pisngi.
“Sigelang, kung galit ka sampalin mo ako hanggang mawala yung galit mo sa ginawa ko!”
“Kung sana galit lang sana yung nararamdaman ko e, pero Boy nasasaktan ako sa ginawa mo!”
“I’m sorry pero mali ang pagkakaalam mo!”
“Talaga lang ha, alin ang mali doon? Kaibigan kita Boy e! Hindi lang kaibigan, bestfriends tayo pero anong tingin mo sa akin, throphy lang na puwedeng angkinin ng mananalo sa basketball! Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin? Ganoon ba ako kawalang kuwenta sa’yo? Ang magiging pustahan lang?”
Namumula siya at umaagos ang mga luha sa kaniyang pisngi. Wala akong maisip na sabihin. Napahawak lang akong sa pisngi kong sinampal niya. Kahit si Jino ay nakatayo lang doon at nagulat sa bilis ng pangyayari. Kailangan kong magpaliwanag, gusto kong sabihin na mali ang iniisip nila laban sa akin ngunit paano ko iyon gagawin ngayong alam kong tuluyan nang nabasag ang sana ay maganda naming samahan?
“Ano? Di ba gusto mo akong kausapin? Bakit hindi ka magsalita?” diretso ang luhaang mata ni Lexi na nakatingin sa akin. Naghihintay siya ng paliwanag ko.
Kaya lang, sa mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang aking sarili. Nakatingin silang lahat sa akin. Naghihintay sa maari kong sasabihin. Para kasing may kung anong bumabara sa lalamunan ko. Hindi ko kayang iayos sa magandang pagpapaliwanag ang nasa isip ko.
“Sorry Lexi. Sige na, mali na kung mali ako pero ahhh!” tinapik ko ang noo ko. Frustrated ako sa sarili ko kung bakit wala akong maapuhap na sasabihin. “Ang hirap naman e! Hindi ko alam kung paano ko sa’yo ipaliliwanag sa paraang maiintindihan mo.”

Subscribe to:
Posts (Atom)