Taon 2010 nang mapadpad ang aking
kapalaran sa bansang ito. Wala sa
hinagap ko na ito ang bansang
mapupuntahan ko dahil kilala ang
bansang ito sa pagiging konserbatibo
bukod pa sa walang masyadong
mapaglilibangan – na talaga namang
kabaliktaran ng aking personalidad. Ako
kasi yung tipo ng taong mahilig gumimik
pagkakatapos ng trabaho – nood ng sine,
kain sa labas, hang out sa mga comedy
bar, gala sa mall, or tambay tambay lang
kung saan maraming magandang tanawin
(wink! wink!). Pero dito sa Saudi ay
malabo kong magagawa ung mga
nakagawian ko.
Bukod sa may kalayuan sa sentro ng
siyudad ang aming magiging
accommodation, liblib na ring masasabi
ang kalagayan nito dahil halos disyerto
nalang ang makikita sa paligid. May
mangilan ngilan ding mga kabahayan at
mga factory sa daraanan pero kumbaga
sa definition natin sa pinas eh
probinsyang probinsya pa rin ang itsura't
kalagayan ng lugar. Pagdating ko sa
aming accommodation ay halos hating
gabi na, buti nalang at gising pa ang mga
kasama ko sa kuwarto kundi ay
mahihirapan akong kumilos, marami
rami pa naman akong gamit na aayusin.
Hindi pa kasi naka-ayos ang aking higaan
dahil bagong bili palang ang kama, unan
at kumot na provided ng company
namin. May tatlong pinoy akong
inabutan sa aking magiging kuwarto.
