Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.
Showing posts with label LIHIM NA PAGTINGIN. Show all posts
Showing posts with label LIHIM NA PAGTINGIN. Show all posts

Sunday, March 8, 2015

STORY: LIHIM NA PAGTINGIN

WARNING: RATED SPG

THIS POST CONTAINS EXPLICIT SCENES AND IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18

Nasa first year high school pa lamang
ako nang malaman ko na hindi ako isang
ganap na lalaki. May mga pagkakataon
kasi na nagkakaroon ako ng ibang
pagtingin sa mga kapwa ko lalaki at
ganun din naman sa mga babae. Noong
una ay hindi ko alam na bisexual pala
ang tawag sa ganitong sitwasyon.
Mahirap unawain sa una ngunit sa
pagdaan ng mga panahon ay lubos kong
naintindihan ang aking kalagayan. Sa
tulong na rin ng mga napapanood at
nababasa ko, lalu kong naintindihan ang
mga bagay tungkol sa pagiging bi.
Sa kabila ng pagkakaunawa ko sa
pagiging bisexual ko, hindi pa rin ako
nagkaroon ng pagkakataon na
makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki. Sa
madaling salita, hanggang tingin lang ang
aking ginagawa kaya't batid ko ang hirap
ng ganitong sitwasyon. Maraming
pagkakataon na ring tinangka kong
magpakita ng motibo sa isang lalaki
ngunit nauunahan ako ng kaba. Takot
kasi akong malaman ng lahat, lalu na ng
aking pamilya, na ako ay isang bi.
Darating siguro ang pagkakataon na
masasabi ko rin sa kanila ngunit sa
panahong ito ay hindi pa ako handa.