WARNING: RATED SPG
THIS POST CONTAINS EXPLICIT SCENES AND IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18
Halos inilabas lahat ata ang mga bituin sa
kalawakan... At ang buwan ay parang
nagmamalaki sa kaniyang sa bigay na
liwanag sa madilim na gabi...
Nakatanghal ngayon ang isang
magandang palabas sa langit... At
sumimoy ang malamig na hangin na
humahampas sa akin. Tila ba ako'y
niyayakap... Ng mahigpit... At paghigpit
ng pahigpit... At ako'y napapikit.
Hay naku at andito na nman ako.
Syempre hinihintay ko pagdating mo.
Naku! ewan ko ba kung bakit na lang
may kung ano na nagpapapunta sa kin
dito sa tambayan at para hanapin ka
lang. At ewan ko kung bakit pati ang
katawan ko parang automatic na
nagpapagising sa akin tuwing umaga at
abangan ka sa tuwing papasok ka sa
trabaho mo.
Ayan kana. Kumkabog na naman ang
dibdib ko. Tuwang tuwa akong nakikita
ang barbers mong buhok na hati sa
gitna. Iyan kasi ang unang una kong
nakikita kahit nasa karamihan ka ng mga
tao. Minsan gusto ko ngang sabihin sa
iyo."Oi psst! Lagyan mo ng bookmark
ung hati ng buhok mo ah?, para bukas
jan pa rin ang hati!"
