Pilit ko mang isipin kung papaano
ako nakarating sa kwarto nang
aking kaibigang si Kevin, ay walang
ano mang idea ang pumapasok sa
aking isipan; marahil ay dala na
rin nang labis na kalasing sa
paginom nang maraming alak.
Kinapa ko ang phone sa bulsa nang
aking pantalon, para tignan kung
anong oras na dahil hindi ko
makita ang wall clock sa dilim sa
luob nang kwarto, 1:23 am na pala
nang madaling araw, pero may
naririnig pa akong mga tao sa
labas, marahil ay may nagiinom pa
sabi ko sa isipan ko, pansin ko ring
mag-isa lang ako sa kwarto ni Kev
kaya kahit nahihilo ang aking
pakiramdam ay pinilit kung
nagtungo sa labas para tignan
kung sino ang mga tao, hanggang
sa tuluyan na akong nakarating sa
hardin kung saan naruruon pa si
Kevin, Alex at Tim ang mga
kabarkada kong malalakas maginom
nang alak. Nang makita nila akong
papalapit ay parati ang tingin nila
saakin kasabay nang maliliit nilang
nakakainis na tawa. Tinatanong ko
sila kung bakit ganuon na lang sila
kung kumilos.
