Sa plano kong manligaw sa kay Angela, naisip ko parang gagamitin ko lang siya. Kinakapa ko sa puso ko kung may nararamdaman ako sa kanya pero wala. Anong mapapala ko sa panliligaw ko sa kanya? Magiging masaya kaya ako kapag sinagot niya ako? Paglalaruan. Paglalaruan ko lang ba siya? O, siya ba talaga ang paglalaruan ko o ang sarili ko? Bahala na. Para mawala ang nararamdaman ko kay... kanino nga ba? Para matukoy ko kung ano nga ba ang nararamdaman ko. Pero ito ba talaga ang sagot? Para ituwid ang pagkatao ko. Tama ba ang ginagawa ko? Para saan? Ewan ko. Bahala na.
Itinuloy ko na nga ang panliligaw kay Angela nang may pag-aalinlangan. Hay.
Matyaga ko nga siyang sinuyo. Nag-aasam na sagutin ng matamis na "Oo". Nariyang nagiging sweet, nagiging maalaga, mga bagay na magpapakitang mahal ko siya... mapaniwalang mahal ko siya.
"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya nang minsang makita ko siyang papasok ng Campus at ako nama'y papalabas para sana mananghalian sa isang toro-toro malapit sa eskwelahan namin kung saan ang kainan din naming magbabarkada.
"Hindi pa. Pupuntahan na nga sana kita sa classroom niyo at hintayin na lang."
"A, ganoon ba, sige tara na." at tumungo na kami ng toro-toro.
Habang kumakain, panay ang subuan namin ng pagkain sa isa't isa. Ewan ko pero hindi ko magawang mag-enjoy sa mga nangyayari. I'm just wearing a fake smile everytime na magkakasama kami just to convince them na totoo ang panliligaw ko.
Ewan ko pero parang I'm wishing someone to be in her place. But who? "I'm wishing someone to be in her place". May gusto ba akong saktan? Pero sino?
Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.
Showing posts with label BOOK 1 : IISA PA LAMANG. Show all posts

Sunday, March 15, 2015
Thursday, March 12, 2015
STORY: BOOK 1 - IISA PA LAMANG (Confusion) Chapter 4
Marami ang nagbago simula noong lumabas na ako ng ospital. Mas dumami pa ang kaibigan ko na halos lahat na nga ng estudyante sa eskwelahang pinapasukan ko ay kinakaibigan ako. Naisip ko nga, baka naaawa na sila sa kalagayan ko. Mas naging madikit din sina Fred at ng tropa niya sa akin at lalo na sina Renz at Archie na daig pa ang kuya ko sa pagka-protective.
May mga bagay din na nakakapagpabagabag sa akin: ang mga halik at titig na ipinupukol sa akin ni Archie; at ang kakaibang ikinikilos ni Renz na nag-iiwan ng napakalaking question mark sa ibabaw ng ulo ko. May mga bagay na pumapasok sa utak ko na hinuha ko pero hindi ko pinaniniwalaan lahat.
Napakaimposible. At ang isang napakabigat na problema ay ang kakaibang pakiramdam na umuusbong sa puso ko na hindi ko pa mawari kung ano. Pakiramdam ko ay may mali. Dagdagan pa ang pagdating ni papa. May isang parte ng puso ko ang nagdiriwang sa pagdating niya pero hindi ko rin alam kung bakit mas nangingibabaw pa rin ang galit ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay may kakaibang nararamdaman si Renz sa akin pero nakukulangan ako. May kung anong isinisigaw ang puso ko na hindi tanggap ng isip ko. At ewan ko din kung bakit hindi ko magawang mailang kay Renz. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka may nararamdaman din ako sa kanya. Hindi ko alam. Nalilito ako. Natatakot. Sa isiping mapanghusga ang mga taong nakapaligid sa akin ay namumuo ang takot sa aking puso. Takot na kamuhian, kutyain, ipahiya. Takot na ikahiya, itakwil ng sariling pamilya. Ayokong maging bakla.
Minsan ay nakapagbibitiw ng mga salita si Renz, mga salitang nakakapagpatayo ng balbon ko na naghahatid ng kalituhan sa isip ko.
Naalala ko noong unang araw ng pagpasok kong kagagaling lang sa ospital. Maaga akong nagising kasi nga ang lakas ng hilik ni kuya. Nang nakapaghanda na kami ni Archie ay sinundo kami ni Renz at sabay-sabay na kaming pumasok.

Tuesday, March 10, 2015
STORY: BOOK 1 - IISA PA LAMANG (Confusion) Chapter 3
"Happy birthday bunso!", mangiyak-ngiyak na sabi ng isang lalaki. Mas matanda lang siguro siya ng ilang taon kay mama. Hindi ko masyadong aninag ang mukha niya pero kasing tikas siya ni kuya, matangkad at medyo mataba.
"Ma, sino siya?" tanong ko kay mama.
Lumapit sa akin ang lalaki saka ako niyakap. "Ang laki laki mo na bunso ko." Ang mangiyak ngiyak na sabi niya.
Hindi ko alam kung paano ako magre-react. May parte sa aking puso ang nangungulila sa kanya pero bumalik lang lahat sa akin ang sakit ng pang-iiwan niya sa amin. Tae mag-lilimang taong gulang lang ako noong iniwan niya kami. Pinangako niya noon na babalik siya. Baon-baon ko ang pangakong iyon hanggang sa lumaki ako pero ano? Hindi siya bumalik! Hindi man lang siya nagparamdam. Masakit! Ang sakit sakit. Simula pa noong bata ako, tampulan na ako ng tukso ng mga kalaro ko. Na wala akong tatay, na bastardo ako. Habang nagkukwento sila tungkol sa kanilang mga tatay, naiingit ako. Isang araw, umuwi ako sa amin na umiiyak, tinutukso kasi akong bastardo ako, na wala akong tatay kaya nagtatakbo akong umuwi at nag-iiyak. Tinanong ko noon si mama kung bakit hindi kami binalikan ni papa. Tinanong ko kung bakit niya kami iniwan. Tinanong ko siya kung babalik pa ba siya. Sabi ni mama na hindi niya na kami babalikan pa, na hindi niya kami mahal, na may pamilya na siyang iba. Simula noon, nabuo ang galit sa aking puso. Tapos ngayon, babalik siya na parang wala man lang nangyari? Ano to? Joke, joke lang ang pang-iiwan niya sa amin?
Itinulak ko siya ng buong pwersa paraan makalas siya sa pagkakayakap niya sa akin. "Wala akong ama. Matagal nang patay ang papa ko." matigas kong sabi. Pinipigilang umiyak para ipakitang buo ang paninindigan ko sa sinabi ko.
"Anak, ako ito, ang papa mo. Buhay na buhay, oh? Anak, hindi ka ba masaya na andito na ako? Anak miss na miss na kita. Mahal na mahal kita anak. Patawarin mo ako sa pa-..."

Monday, March 9, 2015
STORY: BOOK 1 - IISA PA LAMANG (Confusion) Chapter 2
BY: -JRA-
Kinabukasan, maaga akong nagising. Ligo, bihis, kain, toothbrush, papogi saglit sa salamin saka umalis. Kasabay ko si mama umalis, si kuya naman, itutuloy pa raw ang pagtulog napuyat kasi kagabi dahil sa katetxt sa girlfriend niya. Hapon pa raw ang klase.
Inihatid ko muna si mama sa sakayan ng bus saka ako pumirme sa school.
Maaga pa noong nakarating ako ng school. Kunting linis lang. Pagkatapos ay tatambay na at mag-hihintay sa pag-ring ng bell para sa flag ceremony. Habang natambay sa harap ng classroom namin kasama ang mga classmates ko, nakita ko si Archie malapit sa kinaroroonan namin. Lumapit ako sa kanya.
"Hi bunso!", bati ko.
Lumingon siya saka ngumiti, "Hi Nate!"
"Si Renz?" ako.
"Wala pa eh. Male-late na naman siguro."
"Ganun? Hindi pa rin nagbabago?"
"Makupad pa din kung kumilos."Tawanan. Natahimik bigla si Archie.
"Bakit?", tanong ko sabay noon ay isang mahinang batok mula sa likod. Napa-"Aray!" ako pero mahina lang.
"Ako na naman siguro ang pinagtatawanan mo gago no?", ngising sabad ni Renz.

Saturday, March 7, 2015
STORY: BOOK 1 - IISA PA LAMANG (Confusion) Chapter 1
BY : -JRA-
Ako si Nathaniel Bravo. 5'4" ang height, 14 taong gulang. Kung sa hitsura, sabi ng mga bakla at kababaihan, cute daw ako. Hindi ako maputi, hindi rin naman maitim, may kulay brown na mata, matungis na ilong, at pares ng maninipis na labi.
Third year high school na ako at masasabi kong kilala ako bilang isang friendly na tao dahil na rin siguro sa halos lahat ng estudyante ay kinakaibigan ko. Kahit mga loner, nerdy, bullies, simpleng estudyante, bakla o tomboy man.
Break time noon. Unang araw ng klase para sa taong ito. Wala masyadong ginagawa. Dahil sa unang araw pa lang ay puro linis pa lang ang pinagawa sa amin.
"Nathan!", halos sabay na tawag ng dalawa kong kaibigan. Nasa student center sila malapit sa Canteen. Doon ang tambayan namin.
Si Renz, 15 na taong gulang na. 5'6" ang height niya. Maputi, matangkad, at gwapo, yan ang parating description ng mga tao sa kaniya. Ang mga mapupungay na mata at mapupulang labi ang asset niya. Si Archie naman, halos pareho lang kami ng kulay, kasing tangkad ko din, pero gwapo. Malakas ang appeal, dark gray ang kulay ng mga mata niya, mapupulang labi, matungis at maliit ang ilong parang sa babae lang. Mas matanda ako kay Archie ng dalawang buwan kaya 'bunso' ang tawag namin sa kanya. Pare-pareho kaming may athletic pero batang batang katawan dahil sa pagba-basketball.
Naging mag-classmates kami noong first year at second year kaya ganoon na lang kami ka-close. Pero hindi naman kami agad ganoon ka-close noong una.

Subscribe to:
Posts (Atom)