Maliwanag ang buwan, may
kalamigan ang ihip ng hangin
at payapa ang paligid.
Habang nakaupo ako sa
veranda ng aming bahay,
hindi maiwasan ng isip ko ang
magmuni-muni...
magmasid... at magtanong ng
mga bagay-bagay tungkol sa
aking buhay at sarili. Sa
tuwing nag-iisa kasi ako, ito
ang lagi kong ginagawa. Para
sa akin, ito ang pinaka-
angkop na oras upang
mapagnilay-nilay ang mga
bagay na nagawa ko sa
maghapon, mga bagay
tungkol sa aking buhay at
mga aral ng panahon na
dapat kong matutunan.
Sa pagkakaupo kong iyon,
sumagi muli sa aking isipan
ang karanasang kanina
lamang nangyari. Ito ay
isang pangyayaring naganap
sa pagitan ko at ng isang
lalaking nakasabay ko sa
paglalakad pauwi sa amin.
Ito ang simula ng aking
paglalahad...
Maaga na naman akong
makakauwi dahil tuwing
araw ng Biyernes ay
hanggang alas-tres lamang
ang aking pasok sa
unibersidad na aking
pinapasukan.
