Bente anyos ako noon, batang bata at
fresh from the province. Kakatapos ko
lang mag training bilang management
trainee ng isang food chain. Sa di
inaasahang pagkakataon ay na destino
ako sa TM Kalaw branch. Luma na ang
store ko at wala masyadong tao kaya
naman nakakapag relax relax kami palagi
at nabibigayan namin ng panahon ang
customer service aspect ng
pagpapalakad ng negosyo. Nahasa ako
sa customer service dahil nagtrabaho din
naman ako bilang service crew noon sa
ibang mga food chain kaya hindi
nakakapagtaka kung madali akong
makakakita ng mga kaibigan. Sinuwerte
rin ako sa mga unang mga buwan ko ay
sa opening shift ako na schedule.
"Excuse me, are you the manager?"
tinawag ako ng customer.
"Yes, may I help you?"
"I don't like the consistency of your
gravy" ang pataray na salaysay ng
customer.
"I'm sorry about the gravy, Sir, but
don't worry, we will replace it right
away"
Kaagad namang kinuha ng dining crew
ko ang gravy at pinalitan kaagad.
"Thanks" ang matipid na sagot ng
customer namin pagkatapos na
mapalitan ang kanyang gravy.
"You're welcome" ang sagot ko sa kanya
at sinabayan ko na lang rin ng ngiti.
Mabait naman pala ang customer na
akala ko kanina ay Suplado. Hindi naman
siya ka- gwapuhan pero maganda ang
kutis at sa hula ko ay galing ito sa
magandang pamilya. Hindi ko na
namalayan na lumabas na pala ang
customer namin na yon dahil may
malaking volume ng customers ang
dumating.
