Tiningnan ko siya at pagkatapos ay tiningnan niya ako.
“Wala kuya.. H-hindi ko alam..”
“Sige.. Hindi muna uuwi ang kuya mo ha?? Hahanapin namin si Gab.. Hindi kami titigil.” Ang sabi ni Jared.
“Sige kuya.. mag-ingat kayo..” ang sabi na lang niya sabay patay ng phone.
“Salamat Ella..” ang sabi ko.
Pagkasabi ko ng salitang iyon ay umikot ang paningin ko at kasabay nito ang pagkawala ng malay ko.
---------------------------------------------
Nagising ako sa sinag ng araw na dumampi sa mukha ko. Pagdilat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang isang kwarto.
“Takte ang sakit ng ulo ko.. Nasaan ba ako??” ang sabi ko sa sarili ko.
Tumayo ako at inikot ang kwarto. Nakita ko ang mga pamilyar na gamit doon. Ang bag, sapatos, mga damit..
“Teka.. Kay Jared itong mga ito ahh.” Ang sabi ko sa sarili ko.
Bigla naman akong kinabahan dahil malamang nakita na ako ni Jared. At alam niyang nagpaka-lasing ako kagabi.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto upang tumakas at umalis. Sinarado ko ang pinto at inikot ko ang mga mata upang mahanap ang labasan ngunit..
“Gising ka na pala..” ang sabi ng isang babae.
Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.
Sunday, May 24, 2015
STORY: ROMEO & JULIUS CHAPTER 5 WAKAS
Alas-nuwebe na ng gabi nang makarating sina Romeo at Sarah sa shelter na iyon. Nang bigla pang bumuhos ang malakas na ulan na may kasabay na pagkulog at pagkidlat. Pagkalabas nilang dalawa sa tricycle na naghatid sa kanila'y agad-agad silang sumilong sa harapan ng pinaka-main office ng shelter.
"Oh, mga bata, anong ginagawa niyo riyan? Pumasok kayo dito sa loob at basang-basa na kayo," tawag sa kanila ni Sister Agatha; ang pinaka-superiora ng mga madre na namamahala ng shelter. Pumasok sila sa loob at agad silang inabutan ng tuwalya ng madre upang pamunas ng katawan.
"Magandang gabi po. Pasensya na po sa abala. Dito po ba itinurn-over si Julius Legaspi? Galing po kami kanina sa Bilibid Prison at binigay po sa amin ang address dito. Medyo malayo po pala kaya't ginabi po kami," wika ni Sarah.
"Mga kaibigan po kami ni Julius," dagdag pa ni Romeo.
"Ah...si Julius...oo,dito nga siya dinala kanina lang hapon. Naroon siya sa Dorm2 Room05," sagot ng madre habang tinitingnan ang file ni Julius sa desk niya. "Pero hintayin nyo muna saglit dahil baka naroon pa sila sa mess hall at katatapos lang kumain. 9:30 ang bedtime nila kaya siguradong hindi pa yun natutulog. Teka, mukhang hindi pa kayo kumakain, magpapadala ako dito." Hindi na tumanggi ang dalawa sa alok ng matanda dahil parehas na talaga silang gutom. Tumawag si Sister sa telepono at nagpadala ng pagkain saka sinabi sa kausap na sabihin kay Julius na may bisita siya. "Ano nga bang pangalan mo iha?"
"Sarah po."
"Ikaw,iho?"

Thursday, May 21, 2015
STORY: ROMEO & JULIUS CHAPTER 4
Kinaumagahan, naluluha at awang-awa si Auntie Marta nang makita ang kalagayan ng kanyang pamangkin. Puro pasa ang mukha, puro galos ang mga braso, at tila hinang-hina dahil sa mga tinamong pasakit sa mga pulis. Halos maglumuhod si Auntie Marta sa mga pulis para pakiusapan na pakawalan na si Julius dahil wala itong kasalanan ngunit walang pumapansin sa kanya. Nang umaga ding iyon ay pormal nang nagsampa kay Julius ng kasong pagpatay ang mga magulang ni Bong na kapwa mga negosyante. Tuliro naman sa kanyang kwarto si Romeo na nag-iisip kung ano ba ang dapat nyang gawin. Gumugulo sa kanyang isip ang tungkol sa alok sa kanya ni Mayor na suportang medical para sa Papa nya. Ngunit kapalit noon ay ang pagkakanulo niya sa kaibigan.
Lumipas ang dalawang linggo, dumating na ang araw ng paglilitis sa korte ng kaso ni Julius. Naroon sa hearing si Auntie Marta at Sarah, ang pamilya ng biktimang si Bong, mga magulang nina Giovanni at Dexter, Mayor Lito, at ang pamilya ni Romeo. Si Romeo ang kinuhang star witness sa krimen kaya't napakaimportante kung ano ang kanyang ipapahayag. Ngunit bago siya, isinalang muna sa hot seat ang ibang involved sa kaso para sagutin ang mga tanong ni Atty. Michael Roy Rico.
Atty.Rico: Kaano-ano mo ang suspect? At ano ang nalalaman mo sa nangyari nung gabing pinatay si Bong?
Sarah: Kaibigan ko po si Julius. Magkaibigan po ang Mama ko at ang Auntie nya. Nung gabi pong iyon,kasama ko po sina Romeo at Julius. Papalabas na po kami ng subdivision dahil ihahatid namin si Romeo sa bahay nila nang bigla na lang pong dumating yung tatlong lalaki; si Giovanni po,si Dexter, at si Bong.Pero hindi ko po sila kilala. Naririnig ko lang po yung mga pangalan nila nung nag-uusap sila. Binabastos po nila ako at gusto nila akong sumama sa kanila. Pero ipinagtanggol po ako nina Romeo at Julius. Pero bago po iyon, nag-away po muna yung tatlo. Ambilis po kasi ng mga pangyayari, tumakbo na lang po kami ni Romeo at naiwan po namin si Julius. Tapos po sabi ni Romeo na magtago na po muna ako dahil babalikan niya si Julius. Takot na takot po ako ng mga oras na iyon. Nung iniwan na po ako ni Romeo, mga ilang minuto lang po biglang may narinig po akong parang sumabog. Binalikan ko po sila. Nakita ko na lang po si Bong na nakahiga sa kalsada at duguan habang sinusubukan pang iligtas ni Romeo. Wala na po nun sina Giovanni at Dexter. At...at si Julius naman po...nakita ko na lang po na patakbo na po siya habang hawak yung sumpak. Hanggang sa dumating na po yung mga pulis.

STORY: Love Me Like I Am (Book 2) 9
“Gab.. Hindi lang iyon ehh..”
“Ano??”
Hindi siya agad nakakibo.. Ilang sandali pa ay..
“Kailangan kong pakasalan si Ely..” ang malungkot niyang sabi.
Sa sinabi niyang iyon, sa simpleng salitang iyon, gumuho ang mundo ko. Mula sa masayang pagsasama namin dito sa Paris, biglang nawasak ang pag-asa kong makasama si Jared habang buhay. Parang biglang naglaho ang pangarap ko.
“Gab.. I-I’m sorry..” ang naginginig na sabi niya habang patuloy pa din ang pagtulo ng luha.
Hindi na ako nakakibo. Napansin ko na lang ang pag-iyak ko at unti-unting pagluhod sa kinatatayuan ko. Parang nawasak ang puso ko, hindi ko na napigilang humagulgol. Lumapit sa akin si Jared at yinakap ako at ganun din ang ginawa ko.
Nang mahimasmasan ako..
“Kung ganito lang din pala.. Bakit mo pa ako dinala dito? Bakit mo ako hinayaang mahalin ka ulit ng sobra??” ang mahinahon kong tanong.
“Gab..” ang nasabi na lang niya.
“Bakit mo ako KAILANGAN SAKTAN!?!?” ang sigaw ko.
Kita ko ang pagtameme niya. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko.
“I-I’m sorry..” ang sabi ko.

Subscribe to:
Posts (Atom)