Part 5: "Best FriendS with S!"
Kahit Nag-init ang tenga ko sa nadinig kong iyon, di pa rin ako nagsalita pero si Ely..
ELY: “Wow!! Ano ito?? BASTUSAN!?!?” ang biglang pagsigaw ni Ely..
ELLA: “ELY!!” ang pagsita niya.
AKO: “Ely Please..”
At biglang sumagot si Kuya Jared..
KUYA JARED: “No thank you, maybe some other time na lang.” ang sagot niya sa imbitasyon ni Steph.
STEPH: “Ok.. Nice meeting you (sabay tingin sa akin, kay Ely, at kay Ella.)… Jared..” at ngumiti na parang may maitim na balak.
After nun umupo na siya sa table nila ng mga alipores niya. Tahimik kaming bumili ng pagkain ni Kuya Jared at naupo sa table nila Ely at Ella. Ramdam ko ang tensyon sa pananahimik ni Ely.. Para siyang isang bombang sasabog ano mang oras dahil sa sobrang pagka-inis. Tahimik kaming kumakain ng biglang..
ELY: “Grabe!!! Ang ganda niya nuh??” ang pasigaw at sarcastic na pagpaparinig ni Ely kay Steph sa di kalayuang upuan.
Submit your own story at kramer69@yahoo.com. I will try to write my own stories. Please leave comment below. Thank you Habit.
Monday, March 30, 2015
STORY: PISO [7]
Tila ang kalasingan ko noon ay nawala sa nakita ko. Ibang iba ito noong ito ay aking iniwan. Pagbukas ko ng pinto ay animoy wala ako sa sariling tirahan. Luminis ito, gumanda, halos lahat ay nakaayos na sa kanilang pwesto. Kung dati ay mukha itong dinaanan ng bagyo lagi, ngayon para akong may pitong katulong. Malinis. Maaliwalas. Maayos.
Umupo ako pagkatapos kong pumasok ng bahay. Pati ang inuupuan ko ay iba na ang ayos nito. Itinama kung saan dapat nakapwesto, pati ang cover nito napalitan na din. Nakakapanibago.
Siguro'y narinig ni Jay ang pagpasok ko kaya naman tumawag ito mula sa banyo kung saan siya naliligo. "Jose...ikaw na ba yan?"sigaw niya mula sa banyo.
"Parang di ko 'to bahay ahh. Ikaw lang ang gumawa ng lahat ng ito?" Tanong ko sa kanyang may boses ng pagkamangha at kalasingan. Tawa lang naman ang nakuha kong tugon mula sa kanya.
Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng bahay habang ako ay nakaupo. Hindi pa rin ako makapaniwalang siya lang mag-isa ang gumawa ng lahat ng ito. Nakakapanibago talaga.
Habang abala naman ang mata ko sa pagkamangha sa kanyang ginawa ay biglang bumukas ang pinto ng banyo na malapit lang sa sala kung saan ako nakaupo. Paglabas ni Jay ay hindi ko maiwasan hindi humanga sa ganda ng kanyang katawan. Nakatapis lang ito ng tualyang lumabas ng banyo. Napatitig ako sa kanya. Nadarang. May kung anong init ang gumapang sa aking buong katauhan. Hindi ko alam kung bakit, kung nahuhulog na ba ang loob ko sa kanya o dala lang iyon ng kalasingan. Napatulala lang ako habang pinagmamasdan siya.

Friday, March 27, 2015
STORY: BOOK 1 - Love Me Like I Am [4]
Part 4: “Gabriel, Jared, Ella, and Ely….. And STEPH!?!?!”
SI POGI (wahehe..): “Hey Gab!!”
Siyempre nagulat naman ako pero ng titigan ko siya ng malapitan, na-recognize ko na si..
AKO: “…..Jared?? wui!! KUYA!!” ang natuwa kong sabi.
KUYA JARED: “Kamusta ka na tol? Tinatawag kita kanina pero di mo naman ako pinapansin.”
AKO: “Ahh yun ba?? Akala ko kasi iba yung sinesenyasan mo nun at tsaka di kasi kita nakilala ehh.. nakilala lang kita ngayon nung makita kita ng malapitan.”
KUYA JARED: “Ngek!! Ehh lagi mo nga akong ka-text ehh.. Tas hindi mo man lang natandaan yung mukha ko..”
AKO: “Iba kasi hair style mo ngayon.. Nung una tayong magkita, di ganoon kahaba ang buhok mo pero naka-spike.. Ngayon, Humaba siya at.. NAKATAAS PA RIN.. Hahahaha!!!”

STORY: PISO [6]
Sa paglubog niya sa ilog na iyon matapos niyang ihagis ang piso, kita ko pa ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Kita ko pa dito ang kasiyahang nag-uumapaw. Alam ko dahil magkasama ulit kami, nagkausap. Ako rin ay masayang masaya sa mga sandaling iyon hindi lang dahil sa magkasama ulit kami kundi dahil sa mga aral na dulot din niya sa akin noong kami ay magkausap. Ngunit may kurot din itong dulot noong di ko siya masumpungan noong ako ay umahon. Masigla ko pa ring dala-dala ang pisong ipagmamalaki ko sanang natagpuan ko na iyon. Ngunit wala siya. Hindi ko na siya makita kahit ano pa ang gawin kong paghahanap. Nalungkot akong bigla. Natakot. Kinabahan. Tila napakahiwaga ng pangyayaring iyon.
Ginising ako ng aking gunita at katotohanan noong marinig ko ang isang katok. Nanaghinip lang pala ako. Hindi ko akalaing isa iyong panaghinip. Ramdam na ramdam ko pa ang kanyang presensya. Ang tamis ng kanyang mga halik sa aki'y nalalasahan ko pa, ang higpit ng mga hawak niya sa aking kamay, ang init ng kanyang mga yakap, bilis ng tibok ng kanyang puso, ang kanyang nakakapanghipnotismong mga titig; ramdam na ramdam ko pang tila isa iyong totoong pangyayari.
Ang kasiyahang nararamdaman ko dito sa puso ko ay nananatili pa rin at nag-uumapaw ngunit ang katotohanang wala na siya sa aking buhay at kailanman ay hindi na muling magbabalik ang siyang gumising sa aking kahibangan.

Subscribe to:
Posts (Atom)